Who loves you?

Hi! So glad you dropped by! I just want a few minutes of your time. :)

Alam mo bang ang Diyos ay may magandang plano para sayo? Alam mo bang hindi ka pa man lamang naisisilang ay kilala ka na Niya?

Ang sabi sa Genesis 1:26a "Pagkatapos sinabi ng Diyos: 'Ngayon, likhain natin ang tao ayon sa ating larawan, ayon sa ating wangis.'"

Ikaw at ako ay nilikha Niya ayon sa wangis Niya. Dahil ang orihinal na plano ng Diyos ay magkaroon ng malapit na relasyon sa tao.

Ngunit, dahil sa pagkakasala ng tao, nalayo ang tao sa Diyos at nasira ang relasyon na iyon.

Ayon sa Roma 3:10 "Walang matuwid, wala kahit isa"

Ibig sabihin, ikaw at ako ay nagkasala. hindi matuwid at hindi makakaabot sa kaluwalhatian ng Diyos ayon sa Roma 3:23 "Sapagkat ang lahat ay nagkasala at walang sinumang nakaabot sa kaluwalhatian ng Diyos." 

At dahil hindi tayo karapat-dapat, ito ang kakahantungan natin

Ang sabi sa Roma 6:23a "Sapagkat kamatayan ang kabayaran ng kasalan" 

Dahil sa kasalanan, kamatayan ang magiging kabayaran! Kamatayang spiritual! Ngunit wag ka mawalan ng pag-asa! Dahil Sabi sa Roma 6:23b "Ngunit ang libreng kaloob ng Diyos ay buhay na walang hanggan sa pamamagitan ni Cristo Jesus na ating Panginoon" 

Dahil kay Jesus Cristo, nagkaroon ng daan patungo sa Diyos. Dahil sa Kanyang pagkamatay sa crus at muli Niyang pagkabuhay, naligtas Niya tayo, ikaw at ako. Niligtas Niya tayo!

Ang sabi sa Juan 3:16 "Sapagkat gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan kaya ibinigay Niya ang Kanyang bugtong na anak upang ang sinuman sumampalataya sa Kanya ay hindi mapahamak kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan" 

Dahil sa Kanyang dakilang pagmamahal, tayo ay iniligtas Niya at binigyan pa ng buhay na walang hanggan sa piling Niya! Ang kailangan lang natin ay sumampalataya sa ginawa ng Kanyang anak na si Jesus sa krus dahil ang sabi sa  John 14:6  "Sumagot si Jesus, "Ako ang daan, ang katotohanan, at ang buhay. Walang makakapunta sa Ama kundi sa pamamagitan ko."

At dahil Siya lamang ang daan at wala nang iba, wala na tayong ibang sasampalatayanan kundi si Cristo Jesus! Sa pamamagitan ni Jesus, ang nasirang relasyon ng tao sa Diyos ay mulang mabubuo! At nais ng Diyos ng relasyon sayo ngayon din! <3

Ang sabi nga sa Pahayag 3:20 "Nakatayo ako at kumakatok sa pintuan. Kung diringgin ninuman ang aking tinig at bubuksan ang pinto, papasok ako sa kanyang tahanan at kakain kaming magkasalo."

Si Jesus ay nakatayo sa pinutan ng iyong puso at nagiintay na iyong pagbuksan, nais mo ba siyang papasukin sa iyong puso? Nais mo bang tanggapin ang kaligtasan na libreng ibinibigay Niya sayo? Sundan mo ang panalangin na ito:

Panginoon, tinatanggap po kita bilang aking Panginoon at Tagapagligtas. Binubuksan ko po ang akin puso at handang papasukin ka. Ikaw na po ang bahala sa akin buhay. Nilisin mo po ang at patawarin sa lahat ng kasalanan nagawa ko na di kalugod lugod Sayo. Ikaw na po ang maging taga-control ng aking buhay at maghari ka po sa aking buhay. Sa Pangalan ni Jesus, Amen.


No comments:

Post a Comment