Saturday, May 12, 2012

Happy Mother's day!


 Let me introduce the one who waited 9 months just to see me. The one who have sacrificed many things for me. My mother, MARIETA RANA! :)

Hindi man siya perpektong ina, proud na proud padin ako na siya ang mama ko. Nanggaling siya sa isang mahirap na pamilya. Bilang kapatid, marami na siyang nasakripisyo. Ganun din bilang ina. Siguro nga lahat ay naibigay na niya. Nabuhay din kaming isang mahirap na pamilya. Minsan nawawalan ng pagkain sa hapag. Minsan na ding walang laman ang wallet ng mama ko. Minsan na din akong pumasok na hindi sapat ang baon ko. Minsan na din akong tumigil ng pagaaral dahil walang nang pampaaral ang mga magulang ko. Hindi kami lumaki na nakukuha lahat ng aming kagustuhan. At isa yun sa ipinagpapasalamat ko sa mama ko, 
Dahil hindi niya kami pinalaking sunod sa luho. 

Maraming bagay ang hindi ko kayang sabihin sa mama ko tulad ng personal kong problema, katulad ng sa pag-ibig, sa mga kaibigan, sa sarili. Madalas lang akong tahimik sa bahay namin at nagiisa sa kwarto. Hindi ako ganoong masunurin sa mama ko, aminado ako. Minsan, hindi din ako masaya sa bahay kaya mas ginugusto ko pang umalis, pero hindi maglayas. 

Ang mama ko naman, minsan ay mahigpit. May mga pagkakataon na hindi ko na talaga siya maintindihan. Pero iniintindi ko siya sa abot ng aking makakaya. O baka naman ako lang ang hindi maintindihan ng mama ko. Maraming pagkakataon na ang nagdaan na nagtalo kami, nagkasagutan, nagiyakan. Pero ang laging tapos nito ay tawanan. Minsan ko nadin nasabi sa mama ko na, "Si ate lang ang favorite mo!" At dahil tumatanda din naman ako, nasabi ko nadin sa mama ko, "Gusto ko nang maging independent, nasasakal na ako." Ang sama ko di ba? Siguro lahat ng kabataan ay napagdaan ang napagdaan ko. Ang hirap di ba? Pero, ang dami kong natutunan. Dahil sa mama ko, natuto akong maging patient. dahil kadalasan pag sinabi kong , "Ma, bili mo naman ako ng sapatos." Lagi niyang sasabihin, Pag nagkapera tayo." At dahil alam kong noon ay matagal-tagal pa bago kami magkapera, pinanghahawakan ko ang pangako nyia hanggang matupad niya yun. At natutupad naman yun! Natuto din akong maging matiyaga. Tinuro din kasi sa akin ng mama ko hindi lahat ng bagay na gusto ko ay makukuha ko nalang ng basta-basta, kailangan mong paghirapan toh! Siya din ang nagturo sakin na maggitara! :) Siya rin ang nagturo sa akin maging masiyahin sa kabila ng mga problema, at higit sa lahat, siya ang nagturo sa akin kung sino si HESUS. Siya ang matiyagang sineshare sa akin ang mga bible stories tuwing gabi. Ang walang sawang nagpapangaral sa akin na kasama ang salita ng Panginoon. Ang mama ko na nagdala sa akin sa LORD. <3 She has won a soul and that's me! 

Mama, 

Salamat. Salamat sa lahat ng pagmamahal mo sa akin. Sa lahat ng pagaaruga. Sa lahat ng ginawa mo para sa akin. Hindi ko man pinapakita sayo kung gaano ako nagpapasalamat, sobrang salamat lang talaga! :)

Sorry. Sorry po kasi pasaway ako. Hindi ako masipag masiyado. Pero mama, sorry talaga. pakiramdam ko ako na ang pinakamasamang anak, feeling ko lang. Lagi nalang ako ang dahilan ng pagkagalit mo. Lagi ko nalang pinapasama ang loob mo. SORRY po talaga. Ginagawa ko naman po ang lahat para magbago. SORRY.

I LOVE YOU. Kasi ikaw ang mama ko. Ikaw ay ikaw. Ikaw ang nagluwal sa akin. Ikaw ang nagaalaga sa akin. At siguro, kung ibang ina ang maging nanay ko, napalayas na ako. I LOVE YOU TALAGA! Alam kong hindi ko naman sa'yo directly laging sinasabi toh sa'yo, pero gusto ko lang ipakita sa'yo sa MAHAL NA MAHAL KITA. bigyan mo lang ako ng pagkakataon. Hindi sapat ang blogpost na ito para maipakita sa'yo na mahal na mahal kita. Hindi mo alam kung gaano ko kagustong yakapin ka kapag nalulungkot ka. Kung gaano ko kagustong umiyak sa hapap mo sa mga oras na nasasaktan ako. Kung gaano ko kagustong ikwento sa'yo at ishare sa'yo ang kaligayahan na nararamdaman ko. Kung gaano ko kagusto maramdaman ang  YAKAP MO.

Mababasa mo kaya toh mama? Hindi ko kasi alam iexpress ang love ko para sayo. MAMA! sumisigaw na ang puso ko, gusto ko marinig mo lang. :)

THANKYOU MAMA! :) SOBRANG MAHAL LANG KITA.

"If God asked me what is the most important thing to me, that would be you."

Thankful ako sa LORD kasi ikaw ang mama ko. WAGAS LANG EE. :)
muamua! <3

HAPPY MOTHER'S DAY!

No comments:

Post a Comment