Saturday, April 16, 2011

Novel-Memories [Chapter 1&2]

Chapter 1 : My Broken Heart

Sa bawat taong nakikila natin. May mga memories tayong naiiwan sa kanila. At sa bawat memories nay un, either masaya yun o masakit. Hindi naman natin talaga nalilimutan ang taong naibaon na sa puso natin. Dahil ang pagmamahal mo sa kanya ang magpapaalala ng bawat memorya na inyong ginawa. Masaya man o malungkot. Lahat ng ito ay nanggagaling sa puso. Dahil mahal mo.

Madrama ba? Anyways. Ako si Zelle Santos. 18 years old at 2nd year College, taking up Information Technology. Inlove at mahilig magbasa at magsulat. Loner pero hindi EMO. In love ako sa bestfriend ko, si Sam or Samuel Magno. Bestfriends kami for 3 years pero di ko akalaing maiinlove ako sa kanya. Siguro dahil gwapo siya? Matangkad? Matalino? Sweet at maalaga? At higit sa lahat. God-fearing. Ang ideal man ko kasi yung God-fearing. Syempre, ang sarap mahalin nung lalaking kahit hindi ikaw yung number one sa puso niya, basta si Lord yung una sa kanya, ang saya ng buhay. :DD
Pero sa ngayon may mahal siyang iba.
Iba…
Iba…
Iba…
At syempre hindi ako yun.

Yung una niyang girlfriend, si Paula. Schoolmate namin nung highschool. Classmates kasi kami nung highschool. Kinaya ko pa nung magka-gf siya kasi bata pa naman kami nun.

Second niyang gf, si Joy. Classmate niya sa college. Bali magka-iba na kami ng school ngayong college. Pero this time, masakit parang mahal na mahal ko na siya. Syempre dahil bestfriend niya ako, gusto niya maging close kami ni Joy, pero di ko naman kaya kasi nga mahal ko siya. Tumagal din sila ng 8 months. Mas masakit nung tumakbo siya sa akin na umiiyak habang kinukento kung gaano kasakit yung breakup nila.

After 4months, hindi parin siya maka-move. Ginagawa ko na nga lahat para maayos yung puso niya pero wa-epek. Mas ginusto ko na nga nun na magka-balikan sila ni Joy , maging masaya lang siya.
And finally, matapos ang ilan pang buwan, nakikita kong nakaka-move on na siya. Minsan na lang niya maalala si Joy. At kapag sinasabi nya na magkaibigan nalang sila, masaya na siya. Syempre umaasa ako na baka ako yung dahilan kung bakit siya nakamoveon. Pero ang saklap ng feeling nung sabihin niyang naka-moveon siya dahil sa isang schoolmate niya. Si Hannah. Hindi man sila ni Sam, masakit padin kasi paulit-ulit na sinasabi sakin ni Sam na baka mahal na niya ni Hannah. Ang ganda ni Hannah kumpara naman sa akin.
Marami na nag-aadvice sa akin na kalimutan ko na raw ni Sam kasi baka mabaliw na daw ako sa sobrang sakit. Tama. Pakiramdam ko mababaliw na ako.

Mababaliw na.
Baliw na.


Chapter 2 : Empty Space

Mababaliw na nga ata ako. Feeling ko broken-hearted na ako ng bongga. Durog na durog. Pinong pino. Sa tuwing free time ko, makikita mo lang ako sa ES o ang tinatawag na EMPTY SPACE ng dept. namin. Empty lagi yun kasi wala naman napunta dun, suguro, bukod sa akin. Masarap kasi tumambay dun pero hindi pinupuntahan ng tao kasi nasa likod siya ng mga rooms at hindi madaling makita. Mas pinipili kong mapag-isa dun kapag walang magawa.

Nagtaka ako kasi pagpunta ko dun, may nakita akong gitara. Ibig sabihin may ibang napunta dito? Pero wala akong magawa ihh kaya kinuha ko yung gitara at tumugtog ako. Kinanta ko yung SET YOU FREE ng MYMP.

If loving you is all that means to me

Oo. Feeling ko una ang Diyos, tapos si Sam nalang yung mahal ko. Wala akong ginagawa kundi isipin siya maghapon magdamag.

Then being happy is all I hope you’d be.

Kasi mas hindi ko kinakaya na makita siyang malungkot dahil sa iba.

Then loving you must mean I really have to set you free.

Kahit parang mahirap, I set you free Sam.

Letting go is not an easy task.
When smiling feels like I must wear this lonely mask
It hurts deep inside
And I just cannot hide
When there’s anguish at the thought that we should have to part.

Parang ang hirap isipin na i-lelet go ko siya eh hindi naman siya sa akin? Pero hindi ko padin maitago na hinahayaan ko yung sarili ko na masakit tong ginagawa ko. Pinipilit kong kalimutan siya gayon hinayaan ko padin yung sarili ko na maging malapit sa kanya.

Tapos bigla akong naluha hanggang umiyak, humagulgol at sumigaw dahil alam kong wala naman makakarinig sa akin. Biglang may lumapit sa akin at pinunasan ang luha ko tsaka ako niyakap.

“Tama na yang iyak mo, hindi ko kayang makita kang ganyan”

Nagulat ako. Dahil hindi ko siya kilala.

“Kanina ka pa po ba jan?”
“Umm. Di naman. Simula lang nung kumanta ka. Madalas ka ba dito?”
“Awts. Nakakahiya naman. Opo. Madalas ako dito. Ikaw po?”
“Actually kanina lang. Sorry huh. Escape place mo ba toh? Galing mo nga pala kumanta.”
“Thank you po. Opo. Escape place ko toh.”
“Wag ka na iyak huh?”
“Bakit naman po?”
“Kasi mahirap para sa akin, burden ko yung makita ang babaeng naiyak.”
“Buti ka pa”
“Bakit naman?”
“Hindi kasi lahat ng lalaki tulad mo. Yung iba kasi, sila yung dahilan ng pag-iyak namin. Bakit ka nga po pala nagpunta dito?”
“Babalikan ko lang sana yung gitara ko”
“OH. Sayo pala toh. Sorry po ginamit ko ng walang paalam. Thanks”
“Ahmmm…”
Tapos bigla na siyang tinawag ng mga classmates niya.
“Ah. Zelle. Aalis nadin ako huh? Gusto ko pa sana magtagal kaso…
Kita nalang tayo bukas. Dito ulit.”

Biglang takbo.

“Wait. Bakit mo ako……”

Hindi naman siya lumingon.
“kilala?”

Actually, nawindang ako kasi alam niya yung pangalan ko pero dun lang kami nag-meet. Pero nung araw na yun, aattract ako sa kanya. (hihi). Matangkad, gwapo at may dimples. Natuwa pati ako sa gitara niya kasi nakasulat yung life verses ko. Proverbs 3:5-7 at Psalms 150:4.

Since hindi ko pa alam yung pangalan niya, hindi ako nakatulog dahil dun. Paano kung hindi na ulit kami magkita?

CLICK HERE TO DOWNLOAD FULL NOVEL

No comments:

Post a Comment