HURT. Redundant lang ang peg ano? Masakit kasi, minsan. HAHA
May mga bagay kasi na minsan, hindi natin inaakalang magbabago. Minsan hindi natin inaakalang titindi, at madalas, hindi natin mabitawan.
Let me introduce to you...Chasie...Ang babaeng sumulat sa akin. ito ang kanyang sulat
Dear ate,
Hi ate! Alam ko pong hindi mo naman ako kilala pero bigla nalang ako nag message sayo. Nababasa ko po kasi ang blog mo at natutuwa ako kapag masaya ang post mo, naiyak ako kapag malungkot ang post mo. Nakakarelate po kasi ako sa mga post mo. At ate, parang gusto ko pong malaman mula sa inyo kung anong dapat kong gawin....
WAIT CUT! Dapat niyang gawin? ASDFGHJKL! Hindi ko nga alam kung anong dapat kong gawin Chasie, tapos hihingi ka pa ng advise sa akin..huhu. anyways..let's move on
Kasi ate ganito. May isang guy po akong matagal ko nang crush. Tapos ngayon naman po ka close ko na siya. At syempre po, hindi ko po naiwasang main love sa kanya. Kasi parang lahat ng mga sinasabi niya, ginagawa ay nag lilead sakin ng pagka inlove sa kanya kahit hindi ko naman dapat lagyan ng meaning ang mga ginagawa niya sakin. Tapos dumating pa sa punto na nagseselos ako sa mga nakakatext niya, nakakausap kahit alam kong hindi naman dapat. Magkaibigan lang kasi kami. Tapos kapag hindi siya nagrereply, hinanahanap-hanap ko na yung reply niya. Ngayon po, parang napansin ko sa kanya nagbago siya. Yung mga bagay na ginagawa niya noon, hindi na niya ginagawa. Naiisip ko nga po, baka nakakita na siya ng iba na mas magpapasaya sa kanya. Naiyak nalang ako. Ang martyr ko po. Iyak ako ng iyak dahil sa kanya. Wala po akong magawa. Hindi naman siya akin pero bakit kailangan ko mag-let go? Hindi naman naging kami pero bakit kailangan kong mag-move on? Ate, pakiramdam ko expert ka na sa mga situation ng friendzoned. Kaya ate..help po.
Chasie
Isa lang ang sagot ko diyan. NAGSESELOS SI LORD! Ano ba neng! Hindi mo kailangan umiyak sa isang guy ng paulit-ulit, paulit-ulit, ulit-ulit! ano ba! Kung ang joke nga isang beses lang natin tinatawanan eh. Di ba? Hindi ka martyr. Kase alam mong nasasaktan ka. Ang martyr kase eh yung mga hindi na nasasaktan. ga immune na. Nagmamahal ka lang talaga. Ang best way na gawin sa friendzoned relationship na yan, just be friends. I-enjoy niyo ang friendship niyo. Wag kayong mageexpect. Wag kayong mag-aassume. Kung kiligin, edi kiligin. Di ba? Simple lang. Wag intrigera! Kasi ang Lord, tatlo lang ang sinasagot Niya sa prayer. Eh teka? Pinagpepray mo naman ba sya? AY NAKO! PRAYER MUNA BEYBE! Oh siya 3 answers of God sa prayer,
1. YES. Dahil kung sa'yo talaga siya at time na para maging sayo siya. Agad-agad! Ibibigay yan ni LORD.
2. NO. Syempre. May mga bagay na hindi para sa atin kahit ilang bese natin ipagpilitan na maging atin. Kumbaga, sa isang shop na lahat ng tinda ay unique and original, once na nakuha na ng iba, hindi mo na makakanya. Hahanap ka na ng iba. Di ba? At isa pa. Kapat kumuha ka ng isang basong tubig sa dagat, tapos tinapon mo ulit, at kumuha ka ulit, you won't get the same water your just poured.
3. WAIT! Love is patient..patient..patient. kase walang saket! ay joke. Kasi Ang gusto ng LORD, matuto tayo. Kaya minsan, kahit gaano katagal, kailangan natin maghintay. At sa pagiintay natin, maraming lessons ang ibibigay ng LORD. Dahil nung makilala mo siya, siguro hindi pa right time at baka hindi padin kayo right para sa isa't-isa kaya gusto ng Lord maging ready kayo. Ito lang lang, instead na maghanap ka ng RIGHT GUY/RIGHT GIRL, be the RIGHT ONE muna. di ba??? ANSAVE?
Natouch kaya si Chasie? HAHAHA
okay. that's all! Hindi ko ineexpect toh. Ako ba toh? HAHA
Write me a letter @ https://www.facebook.com/zelle.rana
GOD BLESS! :) Sana makatulong ako sa mga nagbabasa ng blog na toh. THANK YOUU! <3
Pasensya na Chasie, independence day ngayon kaya kung ano-anong sinasabi ko. HAHA
No comments:
Post a Comment