Friday, March 18, 2016

Muna...

Jed,

Hello. Di ko alam kung paano ito sisimulan. Pero ito na. Isusulat ko nalang ang mga bagay na di ko kayang sabihin.

Unang araw na di na muna kita kasama. Sabi mo kasi ayaw mo muna. Sabi ko din itigil muna natin ito. Bakit? Oras-oras tinatanong ko sa sarili ko kung bakit. Napakahirap dahil di ko alam kung may nagawa ba tayong mali. Pero sa mga nagdaang araw, lagi nalang tayong nag-aaway. Kaya ginusto ko nadin na bigyan muna ang sarili ko ng panahon para makag-isip, nauna ka lang maging matapang para harapin ang katotohanan na pwedeng wala na muna tayo. 

MAHAL NAMAN KITA E. Pero mukhang hindi sapat ang pagmamahal para ituloy muna ito. Kasi wala nang pag-iintindi, wala nang pag-unawa, at wala nang pagsasakripisyo. Puro AKO AKO AKO. Bakit natin ginagawa ito sa mga sarili natin? Parang araw-araw kinakailangan kong kumbinsihin ang sarili ko na di na muna tayo. Dahil araw-araw nag-iintay ako ng tawag mo, nag-iintay ako ng text mo, at nag-iintay ako sa labas ng pinto namin dahil baka sakaling andun ka. Pero wala. Malabo. Kasi di muna tayo. 

ISANG BUWAN. Sabi natin isang buwan tayong di magkikita at di mag-uusap. Mag isip-isip tayo. Mag-reflect. Pero para bang lagpas isang buwan na, di ka padin nagpaparamdam. Tinde mo. Sabi natin magbabalikan tayo pagkatapos ng isang buwan pero halos pa-dalawang buwan na, di ka padin nagpaparamdam at di ko rin naman kayang kausapin ka sa ngayon. Sa isang buwan na iyon, nakilala ko si Dylan. Nagkakilala kami sa kasal ng friend natin ko na dapat ikaw ang partner ko. Pero di ka nagpunta. :( Lagi kaming nag-uusap ni Dylan. At natakot akong baka masanay na akong kausap siya at makalimutan kong ikaw ang gusto kong makasama. Nagpunta pa siya sa bahay, nagpunta din naman ako sa kanila. Nakilala ko pa nga mommy niya! Pero kahit kailan di ko naisip na iwan ka para sa kanya, kasi MAHAL KITA.

Tinanong ako ni Dylan kung may boyfriend ako. Sabi ko wala muna. Pero di ba nakakatawang isipin na kahit wala muna tayo, ikaw padin ang nasa puso ko! Para akong nakasabit sa isang sinulid diyan sa puso mo, depende nalang sa'yo kung hahawakan mo ang kamay ko. Kung tatanungin mo ako, ayos naman si Dylan. Pero, bakla siya. 

Kaya Jed, wag mo nang hayaang tumagal pa ito ng isa pang buwan. Dahil ayokong dumating yung time na di na ako excited na makita ka o makausap man lang. Kasi hanggang ngayon, ikaw parin ang hinahanap-hanap ko! Sarap mong suntukin e! Parang ewan lang! Akala mo di ko alam na kaya ka nagpa-extend pa ng more than a month na di mag-uusap kasi akala mo nagdedate kami ni Dylan? Loko ka! Kahit pangit ka di kita ipagpapalit sa half purener half kuya!

Waaa! Beh, balik ka na. Balik na tayo. Mahal kita.No if's, no but's, At pwede bang wag muna tayong mag-aaway? Wag munang magsasakitan ng damdamin? Dahil mahal kita. MAHAL NA MAHAL. Pero pag ayaw mo na, waaa. Wala naman akong magagawa.

Love,

Ana

No comments:

Post a Comment