Friday, August 25, 2017

Paano ba ang magmahal?

Di ko alam
Feeling ko naman di ako kamahal-mahal
Pero Ikaw, minamahal ako
Wala pa akong ginawa para sa Sayo para mahalin Mo ako
Pero minahal Mo ako
Lagi nga kitang sinasaktan
Dinudurog ko ang puso Mo
Sa mga kasalanan ko
Iiyak nalang ako ih
Kasi nga, mahal na mahal Mo ako
Sabi Mo pa
Nothing I confess
Can make You love me less
Grabe
Paano po yun?
Hindi ko alam paano Mo nagagawang mahalin ang tulad ko
Halos tumakbo na ako papalayo Sayo
Akala ko napagod Ka na sakin
Akala ko suko Ka na
Kasi may pagkakataon na tahimik Ka
Pero yun pala, sumisigaw Ka na
Ako lang pala ang hindi nakakarinig
Ako lang pala ang nabibingi
Habang sinasabi mong
Mahal na mahal Kita
Di ko maintindihan
Di ko maisip
Na ang maduming katulad ko
ay minahal mo
Pasensya na
Ang dami kong pagkukulang sa'Yo
Pero kahit kailan di Ka nagkulang
Ang dami ko din di nagawa
Pero Ikaw, lahat ginawa Mo para sakin
Sabi Mo pa
Your grace is sufficient for me
Grabe.
Paano Ka po magmahal?
Kahit sino di kaya yan
Wala nang natira Sayo
Lahat na binigay Mo
Pati Siya
Ang nagiisang Mong anak
PARA ILIGTAS AKO
Di ako karapatdapat
Pero gusto mo ako
Napaka-unfaithful ko
Pero Ikaw, tanging IKAW lang ang ganito
Nag ultimo sa panahong lumalayo na ako
Hinakatak mo ako at sinasabing
"I won't leave noR forsake you"
Di ko alam
Feeling ko naman di ako kamahal-mahal
Pero, Panginoon, MINAHAL MO AKO

1 comment: