Wednesday, February 25, 2009

Mayaman ba ang Pilipinas o Mahirap?

Ang Pilipinas na ating bansa ay nasabing isa na sa pinakamahirap na bansa ngayon sa buong mundo. Totoo nga ba ito?

Sa aking pagtatanong, Oo! Totoo daw ito. Dahil raw wala na raw silang pambili ng makakain. Isang beses na lang daw sa isang araw ang kain nila. Kung makikita mo ang mga taong katulad nila, maawa ka talaga sa kanila dahil sa mga kasuotan nilang hindi mo na mamuwangan sa kadumuhan. Masakit isipin na ang dating bansa na takot sa kayamanan ay naghihirap na. Sabi nila dahil raw ito sa mga pinuno nating abusado. Sila nga ba ang may kasalanan? hindi ba natin pwedeng sisihin ang sarili natin? Marahil kaya natin nasabing ang mga pinuno natin ang may kasalan dahil sila ang nagpapalakad ng ating bansa. At tayo naman na sumusunod sa kanila, maari din nating sisihin ang sarili natin dahil masyado tayong nagdamot sa kalikasan. Hindi natin masyadong inalagaan ang ating kalikasan kaya ayan at gumaganti na siya. Mahirap ang Pilipinas sa ekonomiya. Oo! Ekonomiya! Humina ang ating ekonomiya. Mataas na ang ating mga bilihin kung kaya't nauubusan na tayo ng pera sa kahit anu mang kailngan naitn sa pang-araw-araw.

Ating tingnan ang kabilang anggulo. Mayaman rin naman ang Pilipinas. Bakit? Marami pa ring tao ang may Cellphone. Tanyag sa atin ang pagtetext. Tayo ngang mga pinoy ay tinaguriang Cellphone Capital! haha. Mahirap ba tayo? Mapabata, matanda, may cellphone na! May camera pa! Hindi na rin tayo nahuhuli sa makabagong teknolohiya. Marunong narin tayong mag-Computer. Sa totoo nga, maraming kabataan ngayon ang nahahaling sa tinatawag nating DOTA! Ang DOTA na halos pagselosan na ng mga syota nila. haha. May mga kabataang rin ang nakuhang ng kursong may relasyon sa Computer. Katulad na lamang ng Information Technology, Computer Programming at kahit ano pa. Sunod-sunod na ang nagbubukas ng mga Computer Shop at may mga pamilya na rin may sariling Computer sa bahay, may internet pa! At ang mga gadgets natin ngayong panahong ito at takot na sa kamahalan. Hindi na rin tayo nahuhuli roon. May DigiCam na rin tayo. MP4, MP3, at IPOD! Ang mga cellphone natin ay pwede na ring Computer dahil sa sobrang laki ng memory. At maaari na ring maginternet doon! Maaari ka na ring makipag-chat! Mahirap na nga ba tayo?

Isa pa sa mga dahila natin sa kahirapan, hindi na raw tayo katulad noong araw. Sa aking pagtatanong sa mga matatanda, noong araw raw, Mahirap pa sila sa daga. Wala silang T.V., cellphone, at IPOD. Malamang hindi pa naiibento ang mga iyon. May nakapagkwento na rin sa akin na bibihira ang mga MAYAYAMAN noon. Pero ang maganda lang sa kanila, mura at mababa pa ang palitan ng piso sa dolyar. Maari kang makapunta sa Visayas na ang hawak mo lamang pera ay 600 Php. Marami ring matatanda ang hindi nakagtapos sa kanilang pag-aaral dahil sa kakulangan RAW sa pera. Mayaman nga ba sila noon?

Mga tanong na gumugulo sa isipan ng kabataang tulad ko. Pero kahit ganoon, naghahangad pa rin tayo na lumakas ang ating ekonomiya, bumaba ang mga bilihin at bumaba ang palitan ng piso sa dolyar. Maswerte pa rin tayo sa mga magagandang tanawin na regalo sa atin ng Panginoon at sinasabi nilang "talented" tayo. Yun na nga siguro ang paraan natin sa pagtaas ng Ekonomiya natin. Mayaman man tayo o mahirap, pinoy pa rin tayo na mga palaban. Hindi tayo isang magulong bansa at may tanawin tayong maipagmamalaki sa buong mundo. At Mayaman tayo sa pagmamahal na ibinibigay sa atin ng Panginoon dahil kahit mahirap tayo, hindi tayo sumusuko sa mga krisis na kinakaharap ng ating bansa. Pasalamat na lamang tayo dahil isa tayong bansa na ubod sa yaman ang kalikasan. Yun na lamang ang ating panghahawakan.

No comments:

Post a Comment