Maraming tanong ang madalas nating sambitin sa tuwong tayo'y umiibig. Halos lahat ng babae ay naghahangad na ibigin sila ng minamahal nila. Pero sa ordinaryong mundo, Maraming misteriyo ang gumugulo sa puso't isipan ng bawat isa. At isa na nga roon si Zelle. Isa siyang ordinariyong College Student na umiidolo sa sikat na artistang si Lester.
Isang araw, napakasaya ni Zelle noong nalaman niyang bibisita ang idolo niyang si Lester sa kanilang eskwelahan. Nagtatalon siya sa tuwa dahil sa unang pagkakataon ay makikita na niya ang idolo niya.. Pagkauwi niya ay ikinuwento niya agad ang balita sa mama niya. "Mama!! Makikita ko na si Lester sa Personal! Pupunta siya sa school namin!", sabi ni zelle. "Weh? Pupunta rin ako! Joke! haha! Hala'y pumasok ka na sa kwarto mo at magbihis na!", pabiro namang sagot ng mama niya.
Pagpasok niya sa kwarto, nagbihis agad siya , kumain ng hapunan at inihanda ang kung ano mang maari niyang ibigay kay Lester. Gumawa siya ng isang sulat. Isinulat niya ito sa papel na ibinigay sa kanya ng matanda noong kaarawan niya. Hindi alam ni Zelle na ang sulat na iyon ay magbabago ng buhay niya. Dahil ang sulat na iyon, sabi ng matandang nagbigay sa kanya, ay nagtutupad ng anumang kahilingan na isulat mo sa papel na iyon. Habang nagsusulat si Zelle, hindi niya namalayang nakatulog na pala siya.
Makalipas ang ilang oras, nagising na ang prinsesa. Naghanda na siya ng kanyang sarili at tumungo na sa eskwelahan. Nang nasa eskwelahan na siya, nakita niya ang idolo niyang si Lester sa tapat ng room kung saan siya pupunta. Lumapit siya kay Lester at sinabi, "Lester?". Habang natulala. Napangiti nalang sa kanya si Lester at biglaang siyang niyakap. Hindi maintindihan ni Zelle ang nangyayari. Tuwang-tuwa siya dahil alam niya ang lalaking iyon ay si Lester. Matapos yakapin siyang yakapin ni Lester, walang masabi si Zelle at natulala nalang.
"Hoy Bhezt! Ano?" sabi ni Lester
"Umm..Huh? Bhezt?"Habang litong-lito sinabi ni Zelle."Kailan pa? Hello? Lester Concepcion? Kilala mo ba ako?"
Si Lester naman na tila nasaktan sa sinabi ni Zelle ay umalis. Tumakbo ito papalayo dahil hindi man lang naalala ni Zelle ang Birthday niya.
Pumasok na si Zelle sa room nila, tulala at hindi maintindihan ang nagyayari sa kanya. Nilapitan niyas si Joyce, Ang alam niyang bhezt niya.
"Hui! Musta ka ba?'
"AbaH? Kinausap mo ata ako Zelle? Di ba Galit ka sa akin?"
"Ano? Hindi! Miss na miss na kita"
"Hahaha! Zelle naman. Kahapon lang ay sobra ang galit ko sa akin nagyon naman sobarng bait mo. Miss ko rin ikaw! ahhuhu!"
"Bakit naman ako naglit sayo?"
"Kasi Zelle, sabi mo nilalandi ko ang bhezt mong si Lester."
"huh? Si Lester? Hello? Noong nasa labas nga siya hindi niyo man lang siya nilapitan para makapgpa-authograph. Di ba artista siya?"
Sabay tinapik ni joyce si Zelle sabay sabing, "Si Lester artista? Kailan pa? haha."
At tuluyan na ngang tinawanan ng lahat si Zelle dahil sa sinabi niya.
Dumating na rin si Lester. Mugto ang mga mata niya at halatang-halata na umiyak siya. Tahimik lang siya at umupo sa dulong upuan at hindi pinansin ang sino man. Makalipas ang ilang minuto, dumating na rin ang teacher nila na may dala pang napakalaking regalo.
"Hey Guys!!!" sigaw ng guro nila. Tahimik lang ang lahat.
"Hoy! ano ba kayo? Lester! Tama na yang drama mo" Samnit ni ralph sa buong klase. Napangiti lamang si Lester at biglang sumugaw ang lahat.
"Happy Birthday President!"
Natuwa si Lester sa narinig. Binigay na ng Guro ang regalo at sinabing.
"Oh yan na! Kinutsaba pa ako ng BESTFRIEND mo!, sabi ng guro.
"Talaga sir?" sagot naman ni Lester."
Sinakyan na lamang ni Zelle ang nagyayari at sinabing, "Ah oo Bhest!...Happy Bithday!"
Tumakbo si Lester papunta kay Zelle. At sa sobrang tuwa nito ay niyakap niya Zelle. Habang ang mga kaklase nila ay humiyaw at tila kinikilig sa kanilang nakikita.
Pagkauwi ay inihatid na ni Lester si Zelle. Bago umalis si Lester sa bahay nina Zelle ay sinabi muna niyang, "Bhesst! Salamat talaga. Ang saya ng Birthday ko. Mahal na mahal kita bhezt. Sana pwede kitang mahalin na higit pa sa kung tayo ngayon." Walang nasabi si Zelle kundi, "Ahh, sige! Uwi ka na po. Gabi na po ehh. Pati hinihintay na ko ni mama. Happy Birthday Ulit."
Isang ngiti ang hindi nawala sa labi ni Zelle. Sabi niya, " Kung panaginip man ito sana hindi na ako magising!"
Habang pauwi naman si Lester ay may nakasalubong siyang matanda. Binigyan nito si Lester ng isang papel at sinabing, " Ang papel na ito ay hindi basta ordinaryong papel lamang dahil lahat ng naisin mo sa buhay ay isulat mo lamang sa papel na iyan at ibibigay nito ang lahat ng iyon. Binigyan na lamang ni Lester ang matanda ng pera at umalis na.
Kinabukasan, sinundo ni Lester si Zelle sa bahay nila. Habang naglalakad sila nabanggit ni Lester ang kaarawan ni Zelle., "bhezt, isang linggo nalang birthday mo na. Maghahanda ka ba?"
Hindi no! wala kaming pera." sagot naman ni Zelle. Masayang naguusap sina Zelle, sinalubong sila ng isang grupo ng mga lalaki at sinabing. "Wow! Balita kayo na raw ahh? Ang saya naman! Pinagpalit na ako ni Zelle". Nainis si Zelle at lumapit sa bukayong lalaki, "Hoy! Ikaw nga! Wag na wag ka nang makakadaan dito. At anong karapatan mong sabihin saking EX kita? Hello! May taste pa naman ako!". Walang nasabi ang mga lalaki at pinadaan na sina Zelle.
"Bhezt ikaw ba yan?" Sambit ni Lester.
"Oo naman.!"
"Bhezt! Lalo ka tuloy nakakinlove!"
"tumugil ka nga diyan! tara na at malelate na tayo."
Pagdating nina Zelle sa room nila, walang tao. Lahat ng kaklase nila ay wala. Naghanap sila at nagtanong kung nasaan sila. Ngunit hindi talaga nila makita. Naghintay na lamang sila sa room. Habang naroon sila nagusap na lamang sila. Biglang nabanggit ni Lester ang panliligaw niya kay Zelle, "Bhezt, pwede ba akong manligaw? Na-develop na kasi ako sayo! Toto iyon Bhezt. Simula bata magBhezt na tayo. Hindi imposibleng mahalin kita!"
Sumagot naman si Zelle habang tawa ng tawa, "Huh? Nabibigla naman ako sa mga biro mo! hahah!"
"Hindi ako nagbibiro! Seryoso ako! Mukha ba akong nagbibiro?"
"Hindi naman kaso nabibigla talaga ako!"
"Sige, Hihintayin ko ang panahon kapag handa ka na! Mahal na mahal talaga kita!
Bigla na lamang dumating ang mga classmate nila at sabay-sabay naghiyawan. Narinig pala nila ang usapan ng dalawa.
"Narinig ninyo? Naku naman!, sigaw ni Zelle.
No comments:
Post a Comment