Friday, April 24, 2009

Misterio part 2

Nagpatuloy ang panliligaw ni Lester kay Zelle. Makalipas ang isang linggo, kaarawan na ni Zelle. Inimbitahan niya ang lahat ng classmate niya sa kanilang bahay upang magsalo-salo. Masayang masaya si Zelle dahil sa mga nangyayari sa kanya. Mayaman na sila at nanliligaw na sa kanya ang idolo niya. Tila natupad lahat ng kahilingan ni Zelle. Dumating si Lester at may dalang regalo. Maysulat ito sa loob. binasa ito ni Zelle.

"Dear Bhezt,
Happy Birthday! More Birthdays to come! Wish ko sa birthday mo, sana maging artista ako! haha! Sana matupad mo lahat ng pangarap mo, kasama ako. At sana pagbigyan mo ako. Mahal na mahal kita bhezt. Sana maniwala ka!<3<3<3

Lester

Napaiyak si Zelle dahil naalala niya ang papel na iyon. Ganoon rin ang papel na ibinigay ng matanda sa kanya. Natakot siya na baka tuparin ng papel na iyon ang hiling ni Lester. Dahil naalala niyang ganoon rin ang papel na ibinigay niya kay Lester at lahat ng isinulat niyang kahilingan roon ay natupad.

Tumakbo si Zelle papunta kay Lester. Hinigit niya ito papunta sa kanilang garden at doon sila'y nagsolo. Sabi ni Zelle,"Bhezt, Ipangako mo sa akin hindi ka matutulog mamayang gabi!"
'Bakit naman?"
"Basta! Dito ka lang sa tabi ko ok? Mahal na mahal kita!"
"Talaga? Ibig sabihin mo tayo na?"
"Oo, mahal na mahal kita!Naniniwala ako sayo!Simula ng makita kita, lahat na ng pangarap ko ay natupad!"
"Bhezt Salamat! Tinupad mo kaagad ang kahilingan ko sa sulat ko sayo"
"Huh? Tinupad ko?"

Hindi namalayan ni Zelle na siya mismo ang nagtupad ng kahilingan ni Lester sa papel na iyon. Niyakap niya ng mahigpit si Lester at iyak siya ng iyak. Natatakot siyang baka bukas ay magising na siya sa panaginip na iyon. Sa labas ay nakita niya ang matandang nagbigay sa kanya ng papel na iyon. Pinuntahan niya ang matanda at naghihiling ng isa pang papel. Sabi ng matanda, "Neng, kailanman ay hindi mo maaring baliin ang nakasulat sa papel. Hindi na rin maaring umulit pa."

Walang magawa si Zelle kundi ang umiyak. Sinamahan siya ni Lester hanggang hating-gabi.
Habang Nakatinggin sila sa mga bituin, sinabi na lamang bigla ni Lester, "Zelle, sobrang saya ko ngayon!"
"Ako rin naman. Makasam lang kita masaya na ko"
"Lalo na ako"
tinanong na lamang ni Zelle si Lester, "Lester, Paano kung bukas artista ka na, tapos ako ordinaryong babae lamang, mamahalin mo pa rin ba ako?
"Oo naman, kahit ano ka pa, mahal kita! Ito lang ang tandaan mo, kung sakali mang magyari yon bukas at matapos na ito, hahawakan lamang kita sa iyong pisngi at pangoko sayong babalik tayo sa dati."

Hindi nila namalayang nakatulog na pala sila. Nagising na lamang si Zelle sa kwarto niya. Hinanap niya agad ni Lester, "Mama! si Lester?", "Bilisan mo kakanta na siya sa school mo!"sagot naman ng mama niya.
"Huh? Wala ba siya dito kagabi?"
"Hoy! Gising! haha. Nanaginip na naman si Zelle"

Nagmadali siyang pumasok. Nagpunta kaagad siya sa room nila at hinanap si Lester, "Si Lester?'
"Wala pa, hinahantay na nga namin eh. Asan na yung ibibigay mo sa kanya?, sagot naman ni Joyce. Makalipas ang ilang oras, pumunta na sila sa Gymnasium. Hinantay nila ang pagdating ng sikat na sikat na artistang si Lester Concepcion. Dumating na nga si Lester, pumunta siya sa stage at kumanta na. Tumakbo naman si Zelle papunta sa stage. Lumapit siya kay Lester at sinabing, "Lester! Mahal na mahal kita! Buti naman at natupad yung kahilingan mo."
"Ahh miss, salamat sa suporta.", sagot naman ni Lester. Napaiyak na lamang si Zelle at umalis na lamang sa stage dahil inakala niyang totoo ang napanaginipan niya. Habang bumababa siya, bumagsak na lamang siya at nahimatay. binuhat siya ni Lester at dinala sa clinic ng School nila. walang tigil na tinitigan ni Lester si Zelle dahil pakiramdam siya ay kilala niya ito. Habang natutulog si Zelle, Kinapitan ni Lester ang pisngi ni Zelle. napaluha na lamang siya. Nagising si Zelle at bigla siyang niyakap ni Lester at sinabing, "Zelle, I'm Sorry! Humantong pa sa ganito ang lahat. Mahal na mahal kita! Sorry dahil hindi kita naalala agad!"
"Ayos lang iyon, ang mahalaga naalala mo ako. Mahalaga napatunayan ko na totoo pala ang nangyari sa akin noong nakasama kita sa panaginip. Mahirap mang isipin pero paniniwalaan ko! Mahal na mahal na mahal kita!

Siguro nga isang MISTERIO ang nangyari sa kanila. Hindi rin nila maipaliwanag sa sarili nila ang nangyari. Pero naniniwala sila sa nararamdaman nila at minahal ang isa't isa ng walang wagas!

Gos Bless!

No comments:

Post a Comment