Tuesday, February 17, 2009

Mahal kita! paalam!

---1st year!!!---
Pagod na pagod ako noong araw na iyon. Hindi ako makahinga ng maayos. Para bang may humahabol sa akin, pero noong tumalikod ako, wala namang tao. Takbo parin ako…hanggang may sumigaw ng pangalan ko. Hinanap ko siya, nakita ko ang matangkad na lalaki, maputi at payat. Nagliliwanag sya! Kinausap ako ng tila anghel na iyon at sinabing, “Hihintayin kita! Hanggang nawala na ang liwanag at nawala na rin ang lalaki. Pero may natawag parin sa akin, isang babae, lumapit ako sa kanya tapos wala siyang ibang sinasabi sa akin kundi..”wala na siya”. Umalis ako sa scene na yon at tumakbo muli habang umiiyak. May tumawag ulit sa akin at sinabing, “Rizelle! Gising na at male-late ka na sa klase mo!!!hay…si mama lang pala at panaginip lang pala ang lahat. Pero paggising ko may luha sa aking mga mata at tila parang totoo ang mga napanaginipan ko.
(June 28, 2004)-First day ko sa high school ngayon, kaya sobrang excited ako. Kasabay ko pumasok ang pinsan ko kasi 2nd year na siya kaya alam na nya papunta sa school namin. Then, moments ago, nakita ko yung classmate ko nung elementary, si Jerie. Dahil freshmen palang kami, kabado pa kaming pumasok sa building ng school namin, para bang mangangain. Tapos nakakatakot pa yung mga seniors. Huhuhu….
Habang naghihintay ako sa may gate, bigla nalang ako nasilaw. May dumaan pala na maputing lalaki, matangkad at medyo payat. Parang siya yung guy sa panaginip ko. Nung time na yon, iba na ang feeling ko. Para bang na-love-at-first-sight na ako sa kanya. Lumipas ang mga oras, time na para maghiwalay kami ni Jerie kasi hindi kami pareho ng section. Nung pinapunta na ako sa permanent section ko, nakita ko yung guy dun sa room na papasukan ko. So it means classmate ko siya! May chance kaming maging close. Gusto ko sana siyang maging seatmate kaso matangkad siya, kaya malamang sa likod siya. Pero sabi nga nila, ALL THINGS ARE POSSIBLE!!! Kaya nung tinawag yung name niyang napakaganda(Michael Funtanilla), kasunod naman tinawag yung akin. Magkasunod pala kami sa apelyido.
Dahil sa pagiging magkatabi namin sa upuuan, kami ang naging magkapareha sa aming project sa Science. Siguro ito na ang simula ng pagiging magkaibigan namin. Dahil gusto naming makakuha ng mataas na grade, nagtulungan talaga kaming dalawa. Halos araw-araw na kaming magkasama. Kahit hindi siya palakibo, patuloy ko parin siyang inuusap at yun na ang naging daan ng pagiging malapit naming sa isa’t-isa. Ang martyr ko ba? Sabi nga nila. Pero ano bang magagawa ko? Gusto ko siya maging kaibigan pero walang ibang paraan kungdi ang kausapin ko siya. Nagdaan pa ang mga araw, hayyy. salamat. nausap na siya kahit papano. At lumipas ang mga araw, mga araw pa at marami pang araw. 
Party! Kahit kasi freshmen palang kami, kasama kami sa Prom Night. Ang saya diba? Nagkakagulat na isinayaw ako ni Michael. Ang tugtog pa non ay Because of You ni Kyla. Super saya ko! Kasi siya ang last dance ko. Then...wala na..after ng gabing iyon. Parang hindi na kami magkaibigan. :(
---2nd year!!!malungkot…---
Hay, pasukan na naman namin! Ang bilis ano? Wala naman kasi masiyado nangyari nung first year kami.  Isang taon na rin pala ang lumipas nang unang beses kong makita si Michael. Naaalala pa kaya niya ako? Well, noong araw na ring yon, nalaman ko ang sagot sa tanong ko. Dahil nagkasalubong kami sa may hallway, pero hindi niya ako pinansin. Inisip ko nalang na baka nahihiya lang siya. Lumipas pa ang ilang buwan, hindi parin niya ako pinapansin. Isang araw, nakita ko siyang walang kibo at mukhang may problema. Siguro nga ito na ang pagkakataon ko na makausap siya ulit. Nilapitan ko siya at tinanong, “Michael, ayos ka lang? May problema ka ba? Handa akong makinig sa anumang sasabihin mo. Galit ka ba?” Sagot naman ni Michael, “Ayos lang naman ako, at hindi ako galit sayo. Pero, totoo bang handa kang makinig sa akin kahit binalewala ko ang pagiging mabait mo sa akin?” Naging masaya na ako dahil kinausap na ulit niya ako. Nagpatuloy ang paguusap namin. Marami naring nangyari. Dahil lagi kaming magkagroup sa projects, madalas na kami mag-usap. Pero, masaklap pa, Kung kailan naging ganito kaming dalawa, tsaka pa siya aalis. Kailangan raw niyang lumipat ng school dahil sa naging problema ng pamilya nila.Ang lungkot di ba? Bakit kailangan pa maging magkaibigan kami kung aalis din naman siya? Wala akong nagawa kasi sa ibang bansa lang naman siya pupunta. Okay lang sana kung dito lang sa Pilipinas. Hayy Michael. 

---after 2 years,,College na!---]
College na ako! Masiyado ba mabilis? haha. Halos dalawang taon ko na rin palang hindi nakikita si Michael. Noong first day namin sa klase, hindi ko akalain na muli kaming magkikita. Nung magkita kami, siya ang unang bumati sa akin. Sinabi niya sa akin, “ Rizelle? Ikaw na ba yan? Tangkad mo na ahh!” Prangka naman akong sumagot, “Hehehe, tagal na din natin hindi nagkita! Gwapo mo ahh!” Noong mga oras na iyon, hindi ako makapaniwala sa mga nagyayari. Akala ko kasi wala lang ako sa kanya.
Simula noong munting paguusap na iyon, naging parang matalik na magkaibigan na kami. Lagi na kaming magkasama. Inihahatid na rin niya ako sa pag-uwi ko dahil may kinuwento ako sa kanya na isang lalaki na sinusundan ako pauwi.
Isang gabi, papunta na kami ni Michael sa bahay namin. Nakita ko muli yung lalaki sumusunod sa akin at mukhang lasing siya. Umusap bigla yung lalaki at sinabing, “Hoy Rizelle! Iwan mo na yang syota mong pangit! Akin ka na lang!” Nagalit si Michael at lumapit sa lalaki.”Bastos mo ah! Ano ba gusto mo?”,sabi ni Michael. Sumagot naman ang lasing na lalaki, “Yang kasama mo!”. Bigla na lamang sinuntok ni Michael ang lalaki. At siguro sa sobarang kalasingan, bumagsak agad yung lalaki. Pero bago kami umalis, sinabi niyang, “Magbabayad ka Boy! Lagot ka sa amin!. Natakot akong bigla dahil sa sinabi ng lalaki. Natatakot ako para kay Michael.
Oct. 08, Birthday ni Michael ngayon. Pupunta rin kami ngayon sa isang park upang mag-picnic kasama ang iba pa naming kaibigan. May dala kaming mga pagkain para doon i-celebrate ang birthday ni Michael. Masaya kaming nagkakainan nang bigla na lamang lumapit sa amin ang anim na lalaki. Nakita ko doon yung sinuntok ni Michael noon. Marahil ito na yung sinasabi niyang pagbabayad. Nanghamon siya ng away. Hindi pa man lang sumasagot si Michael sa tanong niya, sinuntok agad niya si Michael.At doon na nagsimula ang away. Sa isang sulok, mayroon akong nakita na isang lalaki na may hawak na baril. Parang nakatutuk kay Michael. Sinigawan ko siya para malaman niya. Pero nagtaka ako dahil bigla na lamang siyang tumakbo papunta sa akin. Sa akin pala nakatutok ang baril. Niyakap ako ni Michael ng mahigpit. Hindi ko alam ang nararamdamn ko noong sinabi niyang, “Mahal na mahal na mahl kita!” Masaya ako na natatakot. Pero tila tumigil ang mundo noong malaman kong may tama na pala siya ng baril. Madali akong tumawag ng ambulansiya. Wala akong ginawa nung panahon na iyon kundi ang magdasal at kapitan ang mga kamay niya.
Pagdating sa ospital, lumapit sa akin ang ate niya at tinanong ako kung ano ang nangyari. Hindi na ko makapagsalita dahil hindi ko akalain na nangyayari ang lahat ng ito. Iyak nalang ako ng iyak at dasal ng dasal. Pumunta ako sa chapel ng ospital. Habang nagdarasal ako, may kumapit nalang bigla ng balikat ko at laking tuwa ko dahil si Michael pala iyon. Niyakap ko siya ng mahigpit at sinabing “salamat at ligtas ka”. Ang tanging sinabi niya sa akin noon,”handa akong maghintay sa’yo, kahit kalian at kahit saan.” Sabi ko naman—“You don’t need to wait. I love you! Mahal na mahal kita!” Nginitian lang niya ko at bigla nalang umalis. Bigla akong nasilaw sa isang liwanag at pagmulat ko wala sa si Michael. Hinanap ko siya sa ate niya at ang sinabi ng ate niya,” wala na si Michael”. You mean yung kausap ko kanina ay kaluluwa nalang niya?.iyak ako ng iyak at kinikilabutan sa mga nagyayari sa akin na parang panaginip lang.
Noong burol niya, binigay sa akin ng ate niya ang isang box. Nakalagay doon ang mga pictures naming dalawa at mga sulat na para sa akin. May sulat don ng pag-papaalam at sinabi ring niya sa sulat na handa siyang maghintay, kahit kailan, kahit saan, tulad ng huling sinabi niya sa akin. umiiyak ako habang binabasa ko yung ibang sulat. Inalala ko bigla ang panaginip ko noong first day ko sa highschool. Napansin ko na ang mga nangyari sa panaginip ko ay katulad sa nagyayari sa akin ngayon. Si Michael ang tila anghel na nagsabi sa akin na handa siyang maghintay. Ang ate naman niya ang nagsabi nang “wala na siya.” Naguguluhan ako. Marahil plano na ni Lord ang lahat ng ito. Ibig sabihin nakatakda na kaming maging magkaibigan. At kahit hindi ko man hiniling noon na maging kaibigan ko siya, mangyayari talaga ang lahat. Naisip ko rin na bago pa man magsimula ang buhay ko sa highschool, parte na talaga siya ng buhay ko. Para sa akin, si Michael pa rin ang DESTINED sa akin. Dahil ngayong alam ko na na nakatakda na talaga ang lahat. Hindi na ako makakakita pa ng ibang lalaking katulad ni Michael. At kailanman, hindi siya mawawala sa buhay at puso ko. Niligtas niya ang buhay ko kaya nagpapasalamat talaga ako sa kanya. Nagpapasalamat din ako sa Panginoon dahil si pinagkita niya kami ni Michael. “Michael, kailanman hindi kita malilimutan! Mahal kita! Paalam!”
Love is patient, love is kind. it does not envy, it does not boast, it is not proud. it is not rude, it is not self-seeking, it is not easily angered, it keeps no record of wrongs. Love does not delight in evil but rejoices with the truth. it always protects, always trusts, always hopes, always perseveres. Love never fails....and now these three remain: faith, hope and love. But the greatest of these is love.(NIV) ---I Cor. 13:8a and 13---


by: zelle

No comments:

Post a Comment