Showing posts with label pAmPINOY. Show all posts
Showing posts with label pAmPINOY. Show all posts

Wednesday, January 13, 2010

TRUST


haiz...saya talaga maglingkod sa Lord. Trust in Him and He will not let you be in harm.

Story:(Not a true story, i just read it from my cp, but it is meaningful)

May isang girl na hatinggabi na umuwi ng solo dahil sa ginawa nilang project. Para maging mabilis ang pauwi niya, dumaan siya sa shortcut na daan. Sa kanto ng kalsada ay may dalawang lalaki na tila nagaabang sa kanya. Natakot siya na baka may mangyari sa kanyang masama. Pero hindi nanguna ang takot sa kanya. nagdasal siya at sinabi niyang, "Panginoon, ipinagkakatiwala ko po sa inyo ang sarili ko. Nawa po gabayan Niyo po ako at huwag Niyo po hahayaan na may mangyari sa aking masama." Sa moment na iyon, ipinagkatiwala niya sa Panginoon ang buhay niya. Lumakad siya ng normal at ng walang takot. Lumampas siya sa mga lalaki at nagpasalamat na walang nangyari sa kanya.Kinabukasan paggising niya, sinabi sa kanya ng kanyang ina na mayroong namatay at narape sa may kanto malapit sa kanila, narape daw ang babae ng magaalauna na ng umaga,nagkataong doon din siya dumaan noong gabing iyon. Dahil kilala pa niya ang mga mukha ng mga lalaking nakita niya noon, pumunta siya sa presinto upang makatulong. At hindi siya nagkamali sa hinala niya na iyon nga ang mga lalaki na pumatay at nangrape sa biktima. Dahil sa pagtataka ng pulis kung bakit kilala ng babae ang mga lalaki, tinanong siya ng pulis, "Dumaan ka din ba doon?", sagot naman siya, "opo, 12 na po ng hating gabi iyon" Sunod naman na tinanong ng pulis ang mga lalaki, "Nauna bang dumaan ang babaeng ito sa babaeng nirape nio?", sagaot naman ng mga lalaki, "Opo". Nagtanong muli ang pulis, "Mahirap man itanong ito, Bakit hindi siya ang pinagtangkaan ninyo gayong siya pala ang naunang dumaan.?" sagot naman na isang lalaki, "Dahil po mayroong siyang kasamang dalawang matangkad na lalaki sa tabi niya."

Lesson:
Sa kahit anong oras, huwag natin aalisin ang tiwala natin sa Panginoon dahil Siya lamang ang makakapagligtas sa atin sa oras ng kapahamakan. Magtiwala tayo sa Kanya ng buong puso at hindi Niya hahayaan na tayo'y mapahamak. Nawa nainspire kayo. Dahil nainspire ako noong mabasa ko ito noon.

Title: TRUST

Friday, February 20, 2009

Mahal kita, Mahal ko siya

Babae:
Mahal kita
Sana alam mo
Lalake:
Mahal Ko siya
Sana alam niya
Babae:
Halos araw-araw
Ikaw lang nasa isip ko
Lalake:
Saan man ako magpunta
Siya lang nasa puso ko
Babae:
Minsan may gabing
Hindi ako maidlip
Lalake:
Nagaalala akong hindi siya maidlip
Dahil siya ang laging laman ng aking panaginip
Babae:
Wala nang ibang laman ang puso't isip ko
Ikaw lang ang mamahalin ko
Lalake:
Sa puso ko'y siya ang nagpapatibok
Sa isip ko'y siya ang nagpapatakbo
Babae:
Mahal kita
Kahit hindi ko alam ang dahilan
Lalake:
Mahal ko siya
Dahil sa buhay ko'y siya lang ang dahilan
Babae:
Mahal kita
Sa kung ano ka man
Lalake:
Mahal ko siya
Maging sino man siya
Babae:
Mahal kita
Kahit siya ang mahal mo
Lalake:
Mahal ko siya
Salamat at mahal niya rin ako!

nyaknyaknyak...ang gulo!!!naintindihan niyo?

by: zelle

Thursday, February 19, 2009

Mixstar ko!!














Hay ang mixstar ko!
Takot na dami ang pinagdaanan
Dumaan na putik at mabatong daan
Umapak na sa lahat ng kahirapan

Kasama ko siya, hindi man araw-araw
Handa siya kapag kailangan ko siya
Andiyan siya kapag hindi ko makita yung habayanas ko
Suot ko siya kapag aalis ako

Hindi ko na nga talaga papaltan ito
Komportable at maayos ang lakad ko dito
Bihira na ang tsinelas na ganito
Yung tatagal ng isang taon at hindi ninipis katulad ng sayo!

Sa totoo lang may dahilan ang tulang ito
Dahilan ko lang upang sabihin sa inyo
Wala na akong pambili ng Mixstar na katulad nito!
Dahil ang 50 pesos na tsinelas sa tiangge
Hindi na kasing tibay ng Mixstar ko!

by: zelle

Wednesday, February 18, 2009

Ang sanaysay ng dating EMO

"Fix me I'm broken!", "Leave me alone!"---Mga katagang nasambit ko noon. Nagkukulong ako sa kwarto ko para walang makakita sa akin na umiiyak. Pinaniwala ko ang sarili ko na kailanma'y hindi na mabubuo ang puso ko.

Isa akong Kristiyano, pero bakit ako ganito? Marahil nadamay na ako sa makabagong henerasyon. Sa mga taong tinatawag na EMO! Palaging nakaitim, may eyeliner, naka chucktaylor, tapos skinny jeans, at may bangs na halos takpan na ang mukha. Naging ganito ako. Nabubuhay ako sa dilim ng kahapon. Sumusuko ako sa mga problemang kaya ko namang lutasin. Ito ako noon. Napakalayo sa kung ano ako ngayon.

Natatandaan ko pa noon. Sa tuwing gigising ako sa umaga, mainit ang ulo ko. Napakasama na kaagad ng araw ko. Wala akong ginawa kundi ang magmaktol at sisihin ang sarili ko sa kung ano man ako noon. Natuto akong kumanta ng mga awiting nakakasira sa utak. Awiting nagsasabing ang pangit ng buhay. Wala nang pag-asa! at hindi ka na nararapat mabuhay. Hindi ko naman tinangkang magpakamatay. Pero tinatawag ko pa rin ang sarili kong EMO GIRL. Isang beses nag-mahal ako. Noong nalaman ko na kaibigan lang turing niya sa akin, nasaktan ako. Nagsimula akong magrebelde. Nagsimula na akong makinig ng mga awiting nagsasabi sa aking durog na ang puso ko. Umiiyak akong mag-isa. Nagtimpi ako ang patuloy na sinaktan ang sarili. Sinasabi ko na sa sarili kong "Ako na lamang ang kasama mo! Wala nang ibang magmamahal sayo!"

Sa bahay, malaking pagbabago ang napansin nila sa akin. Lagi na lamang akong sumasagot sa magulang ko at lahat ng gusto kong gawin ay ginagawa ko na. Pinaniwala kong hindi nila ako mahal. Masakit! Masakit isipin na hindi ka mahal ng magulang mo. Gigising ka sa umaga na sampiga ang sasalubong sayo. Sisigawan ka at sasabihing "Tamad ka talaga!" Simula noon, mas naging rebelde pa ako. Sarili ko na lamang ang pinaniniwalaan ko. Nagalit ako sa magulang na tinatawag ko. Mali! Oo, sobrang mali! Sinampal ko ko ang sarili ko, baka sakaling magising ako sa masamang panaginip na ito. Aray! Ang sakit pala. Naisip ko baka masakit ring kalimutan ang panaginip na ito. Inisip ko, "Masaya ba ako na ganito ako?" Sabi ng sarili ko, "Hindi! Hindi ka dapat maging masaya kung ganyan ka!"

Pinilit kong kalimutan ang sarili ko bilang isang Emo Girl. Binura ko na ang lahat ng litrato na nagpapaalala sa katauhang kong iyon. Nasabi ko sa srili ko, "Oo! oras na para magbago ka! Marami na ang nahihirapan sa ugali mong iyan." Habang nasa kalagitnaan ako ng pagbabago ko. Nakatagpo ako ng mangingibig, isang EMO! Gwapo, matangkad at medyo maputi. Naramdaman ko ang matinding takot na baka kapag napaibig ako ng lalaking ito ay hindi ko maituloy ang pagbabago ko. Tama nga ako. Nanligaw siya sa akin. May nararamdaman na ako sa kanya pero hindi ko siya magawang sagutin. Mahirap para sa akin ang magdesisyon dahil hangad ko na talagang magbago. Makalipas ang ilang buwan, Hindi ko parin siya sinasagot. Pero ako, Emo parin! Ano ba toh! Bakit Emo parin ako!?

Isang pagsubok ang dumaan sa akin. October, isang kaibigan ang napalayo sa akin. Hindi na siya nagpapakita at hindi na rin sumisimba sa church. Nagdasal ako sa Panginoon, "Lord! Sana po bumalik na siya!" Ilang linggo ko na ring ipinagdarasal ang kaibigan ko pero wala pa ring nagyayari. Tandang-tanda ko pa ang araw na iyon, October 31, 2008. Dumalo ako sa isang fellowship. Kasama ko ang mga kaibigan ko noon. Habang namemensahe ang Pastor, isang pangungusap na sinabi ng Pastor ang pumukaw sa puso kong durog. Sinabi niya, "Kung naghahangad ka ng pagbabago ng iba, simulan mo ang pagbabago sa sarili mo para makita nila na walang mawawala sa kanila kung magbabaga sila. Maging isang inspirasyon ka sa kanila" Napaluha ako noong mga oras na iyon. Oo! Sinubukan kong magbago noon. Alam ko na kung bakit hindi ko makamit ang pagbabago. Dahil tumatatak parin sa puso ko ang pagiging Emo ko. At ang mga taong nakakasalamuha ko ay sinasabing Emo parin ako. Hindi ko naisip na maging isang inspirasyon. At higit sa lahat, hindi ko naisip ang Panginoon noong nagdesisyon akong maging Emo. Nagsisisi ako sa nagawa ko. Naghahangad ako ng pagbabago ng kaibigan ko pero sarili ko, hindi magawang mabago. Hinintay lamang ng Panginoon na magbago ako bago magbago ang kaibigan ko. Pagkatapos ng araw na iyon. Linggo, nagpunta ako sa simbahan namin. Nakita ko ang kaibigan ko. Napakasaya ko dahil na patunayan ko na sa sarili ko na hindi nasayang ang pagbabago ko. Sa magulang ko naman. hindi na ako yung dating rebelde. Masaya ako dahil nakamit ko na talaga ang pagbabago. Ang laki ng pasasalamat ko sa Panginoon.

Ngayon, itinuturing ko na lamang ang nagyari sa akin bilang pagsubok. Mas lalo pa akong napalapit sa Panginoon, sa magulang ko at sa mga kaibigan ko. Ang mangingibig kong Emo , BASTED! Hindi ko na pinoproblema ang mga problemang hindi ko malutas noon. Sinasabi ko lamang, "Bahala na si Lord!". hindi man ako maging pinakamabait na anak at ka kaibigan. Gagawin ko ang lahat huwag lamang akong bumalik sa noon. Masaya na ako ngayon. Mas masaya sa inakalang kong kasiyahan ko noon. Iba na ko ngayon. Napakalayo sa kung ano ako noon. Wala na akong alalalahanin. Sigurado na akong hindi na madudurog ang puso ko dahil binigay ko na ng buong-buo sa Panginoon ang puso. Napagtanto ko na puno pala ng pagmamahal ang puso ko. Ganoon pala! Tanging ang Panginoon lang pala ang makakabuo ng "Broken Heart", kung ibibigay mo ang lahat ng piraso sa Kanya. God Bless You all!

by: zelle

Tuesday, February 17, 2009

Matalik kong kaibigan

Kahit saan man ako magpunta
Lagi ko siya'ng kasama
Kahit simula pa noong ako'y bata pa
Siya'y aking kaibigan na

Dinadamayan niya ako sa aking problema
Tinutulungan niya ako kapag hindi ko na kaya
Kapag ako'y umiiyak, nasa tabi ko siya
Pinapahid ang mga luha sa aking mga mata

Kahit kailan hindi siya nagalit sa akin
Kahit anong tampuhan hindi dumaan sa amin
Mabait kasi siya at hindi niya ako iniiwan
Wala na talaga akong mahihiling pa sa matalik kong kaibigan

Minahal niya ako kahit walang kapalit
Niligtas niya ako kahit para sa aking ang sakit
Lahat na ata ng kabutihan ay nagawa na niya sa akin
Kahit buhay niya'y sinuko niya para sa akin

Namatay siya, kahit ako ang makasalanan
Nagpakasakit siya kahit dapat sa akin ang mga sugat niya sa katawan
Wala na talaga akong dahilan para siya'y iwanan
At kailanman mamahalin kita at mabubuhay ako para sa iyo
Oh, Hesus, Ang aking matalik na kaibigan

by: zelle

Higit pa sa kaibigan

Noon tingin ko sayo'y kaibigan lang
Pero damdamin ko sayo'y nagbago na
Ang pag-ibig na iniaalay ko sayo
Balewala at hindi pinansin ng puso mo

Sa tuwing tayo'y magkasama
Nais ko sabihin aking nadarama
Nais ko nang sambitin na Mahal kita
Ngunit hindi masambit dahil alam kong may mahal kang iba

Sabihin mo man na baliw ako
Ayos lng! Dahil baliw talaga ako sa'yo
Mahal kita! Iyon ang alam ko
Kahit alam kong nasasaktan na ako

Mamahalin kita Kahit ayaw mo
Mamahalin kita kahit siya ang gusto mo
Pero kaibigan, kahit kailan
Maghihintay ako hanggang ituring mo akong
Higit pa sa kaibigan

by: zelle

Mahal kita! paalam!

---1st year!!!---
Pagod na pagod ako noong araw na iyon. Hindi ako makahinga ng maayos. Para bang may humahabol sa akin, pero noong tumalikod ako, wala namang tao. Takbo parin ako…hanggang may sumigaw ng pangalan ko. Hinanap ko siya, nakita ko ang matangkad na lalaki, maputi at payat. Nagliliwanag sya! Kinausap ako ng tila anghel na iyon at sinabing, “Hihintayin kita! Hanggang nawala na ang liwanag at nawala na rin ang lalaki. Pero may natawag parin sa akin, isang babae, lumapit ako sa kanya tapos wala siyang ibang sinasabi sa akin kundi..”wala na siya”. Umalis ako sa scene na yon at tumakbo muli habang umiiyak. May tumawag ulit sa akin at sinabing, “Rizelle! Gising na at male-late ka na sa klase mo!!!hay…si mama lang pala at panaginip lang pala ang lahat. Pero paggising ko may luha sa aking mga mata at tila parang totoo ang mga napanaginipan ko.
(June 28, 2004)-First day ko sa high school ngayon, kaya sobrang excited ako. Kasabay ko pumasok ang pinsan ko kasi 2nd year na siya kaya alam na nya papunta sa school namin. Then, moments ago, nakita ko yung classmate ko nung elementary, si Jerie. Dahil freshmen palang kami, kabado pa kaming pumasok sa building ng school namin, para bang mangangain. Tapos nakakatakot pa yung mga seniors. Huhuhu….
Habang naghihintay ako sa may gate, bigla nalang ako nasilaw. May dumaan pala na maputing lalaki, matangkad at medyo payat. Parang siya yung guy sa panaginip ko. Nung time na yon, iba na ang feeling ko. Para bang na-love-at-first-sight na ako sa kanya. Lumipas ang mga oras, time na para maghiwalay kami ni Jerie kasi hindi kami pareho ng section. Nung pinapunta na ako sa permanent section ko, nakita ko yung guy dun sa room na papasukan ko. So it means classmate ko siya! May chance kaming maging close. Gusto ko sana siyang maging seatmate kaso matangkad siya, kaya malamang sa likod siya. Pero sabi nga nila, ALL THINGS ARE POSSIBLE!!! Kaya nung tinawag yung name niyang napakaganda(Michael Funtanilla), kasunod naman tinawag yung akin. Magkasunod pala kami sa apelyido.
Dahil sa pagiging magkatabi namin sa upuuan, kami ang naging magkapareha sa aming project sa Science. Siguro ito na ang simula ng pagiging magkaibigan namin. Dahil gusto naming makakuha ng mataas na grade, nagtulungan talaga kaming dalawa. Halos araw-araw na kaming magkasama. Kahit hindi siya palakibo, patuloy ko parin siyang inuusap at yun na ang naging daan ng pagiging malapit naming sa isa’t-isa. Ang martyr ko ba? Sabi nga nila. Pero ano bang magagawa ko? Gusto ko siya maging kaibigan pero walang ibang paraan kungdi ang kausapin ko siya. Nagdaan pa ang mga araw, hayyy. salamat. nausap na siya kahit papano. At lumipas ang mga araw, mga araw pa at marami pang araw. 
Party! Kahit kasi freshmen palang kami, kasama kami sa Prom Night. Ang saya diba? Nagkakagulat na isinayaw ako ni Michael. Ang tugtog pa non ay Because of You ni Kyla. Super saya ko! Kasi siya ang last dance ko. Then...wala na..after ng gabing iyon. Parang hindi na kami magkaibigan. :(
---2nd year!!!malungkot…---
Hay, pasukan na naman namin! Ang bilis ano? Wala naman kasi masiyado nangyari nung first year kami.  Isang taon na rin pala ang lumipas nang unang beses kong makita si Michael. Naaalala pa kaya niya ako? Well, noong araw na ring yon, nalaman ko ang sagot sa tanong ko. Dahil nagkasalubong kami sa may hallway, pero hindi niya ako pinansin. Inisip ko nalang na baka nahihiya lang siya. Lumipas pa ang ilang buwan, hindi parin niya ako pinapansin. Isang araw, nakita ko siyang walang kibo at mukhang may problema. Siguro nga ito na ang pagkakataon ko na makausap siya ulit. Nilapitan ko siya at tinanong, “Michael, ayos ka lang? May problema ka ba? Handa akong makinig sa anumang sasabihin mo. Galit ka ba?” Sagot naman ni Michael, “Ayos lang naman ako, at hindi ako galit sayo. Pero, totoo bang handa kang makinig sa akin kahit binalewala ko ang pagiging mabait mo sa akin?” Naging masaya na ako dahil kinausap na ulit niya ako. Nagpatuloy ang paguusap namin. Marami naring nangyari. Dahil lagi kaming magkagroup sa projects, madalas na kami mag-usap. Pero, masaklap pa, Kung kailan naging ganito kaming dalawa, tsaka pa siya aalis. Kailangan raw niyang lumipat ng school dahil sa naging problema ng pamilya nila.Ang lungkot di ba? Bakit kailangan pa maging magkaibigan kami kung aalis din naman siya? Wala akong nagawa kasi sa ibang bansa lang naman siya pupunta. Okay lang sana kung dito lang sa Pilipinas. Hayy Michael. 

---after 2 years,,College na!---]
College na ako! Masiyado ba mabilis? haha. Halos dalawang taon ko na rin palang hindi nakikita si Michael. Noong first day namin sa klase, hindi ko akalain na muli kaming magkikita. Nung magkita kami, siya ang unang bumati sa akin. Sinabi niya sa akin, “ Rizelle? Ikaw na ba yan? Tangkad mo na ahh!” Prangka naman akong sumagot, “Hehehe, tagal na din natin hindi nagkita! Gwapo mo ahh!” Noong mga oras na iyon, hindi ako makapaniwala sa mga nagyayari. Akala ko kasi wala lang ako sa kanya.
Simula noong munting paguusap na iyon, naging parang matalik na magkaibigan na kami. Lagi na kaming magkasama. Inihahatid na rin niya ako sa pag-uwi ko dahil may kinuwento ako sa kanya na isang lalaki na sinusundan ako pauwi.
Isang gabi, papunta na kami ni Michael sa bahay namin. Nakita ko muli yung lalaki sumusunod sa akin at mukhang lasing siya. Umusap bigla yung lalaki at sinabing, “Hoy Rizelle! Iwan mo na yang syota mong pangit! Akin ka na lang!” Nagalit si Michael at lumapit sa lalaki.”Bastos mo ah! Ano ba gusto mo?”,sabi ni Michael. Sumagot naman ang lasing na lalaki, “Yang kasama mo!”. Bigla na lamang sinuntok ni Michael ang lalaki. At siguro sa sobarang kalasingan, bumagsak agad yung lalaki. Pero bago kami umalis, sinabi niyang, “Magbabayad ka Boy! Lagot ka sa amin!. Natakot akong bigla dahil sa sinabi ng lalaki. Natatakot ako para kay Michael.
Oct. 08, Birthday ni Michael ngayon. Pupunta rin kami ngayon sa isang park upang mag-picnic kasama ang iba pa naming kaibigan. May dala kaming mga pagkain para doon i-celebrate ang birthday ni Michael. Masaya kaming nagkakainan nang bigla na lamang lumapit sa amin ang anim na lalaki. Nakita ko doon yung sinuntok ni Michael noon. Marahil ito na yung sinasabi niyang pagbabayad. Nanghamon siya ng away. Hindi pa man lang sumasagot si Michael sa tanong niya, sinuntok agad niya si Michael.At doon na nagsimula ang away. Sa isang sulok, mayroon akong nakita na isang lalaki na may hawak na baril. Parang nakatutuk kay Michael. Sinigawan ko siya para malaman niya. Pero nagtaka ako dahil bigla na lamang siyang tumakbo papunta sa akin. Sa akin pala nakatutok ang baril. Niyakap ako ni Michael ng mahigpit. Hindi ko alam ang nararamdamn ko noong sinabi niyang, “Mahal na mahal na mahl kita!” Masaya ako na natatakot. Pero tila tumigil ang mundo noong malaman kong may tama na pala siya ng baril. Madali akong tumawag ng ambulansiya. Wala akong ginawa nung panahon na iyon kundi ang magdasal at kapitan ang mga kamay niya.
Pagdating sa ospital, lumapit sa akin ang ate niya at tinanong ako kung ano ang nangyari. Hindi na ko makapagsalita dahil hindi ko akalain na nangyayari ang lahat ng ito. Iyak nalang ako ng iyak at dasal ng dasal. Pumunta ako sa chapel ng ospital. Habang nagdarasal ako, may kumapit nalang bigla ng balikat ko at laking tuwa ko dahil si Michael pala iyon. Niyakap ko siya ng mahigpit at sinabing “salamat at ligtas ka”. Ang tanging sinabi niya sa akin noon,”handa akong maghintay sa’yo, kahit kalian at kahit saan.” Sabi ko naman—“You don’t need to wait. I love you! Mahal na mahal kita!” Nginitian lang niya ko at bigla nalang umalis. Bigla akong nasilaw sa isang liwanag at pagmulat ko wala sa si Michael. Hinanap ko siya sa ate niya at ang sinabi ng ate niya,” wala na si Michael”. You mean yung kausap ko kanina ay kaluluwa nalang niya?.iyak ako ng iyak at kinikilabutan sa mga nagyayari sa akin na parang panaginip lang.
Noong burol niya, binigay sa akin ng ate niya ang isang box. Nakalagay doon ang mga pictures naming dalawa at mga sulat na para sa akin. May sulat don ng pag-papaalam at sinabi ring niya sa sulat na handa siyang maghintay, kahit kailan, kahit saan, tulad ng huling sinabi niya sa akin. umiiyak ako habang binabasa ko yung ibang sulat. Inalala ko bigla ang panaginip ko noong first day ko sa highschool. Napansin ko na ang mga nangyari sa panaginip ko ay katulad sa nagyayari sa akin ngayon. Si Michael ang tila anghel na nagsabi sa akin na handa siyang maghintay. Ang ate naman niya ang nagsabi nang “wala na siya.” Naguguluhan ako. Marahil plano na ni Lord ang lahat ng ito. Ibig sabihin nakatakda na kaming maging magkaibigan. At kahit hindi ko man hiniling noon na maging kaibigan ko siya, mangyayari talaga ang lahat. Naisip ko rin na bago pa man magsimula ang buhay ko sa highschool, parte na talaga siya ng buhay ko. Para sa akin, si Michael pa rin ang DESTINED sa akin. Dahil ngayong alam ko na na nakatakda na talaga ang lahat. Hindi na ako makakakita pa ng ibang lalaking katulad ni Michael. At kailanman, hindi siya mawawala sa buhay at puso ko. Niligtas niya ang buhay ko kaya nagpapasalamat talaga ako sa kanya. Nagpapasalamat din ako sa Panginoon dahil si pinagkita niya kami ni Michael. “Michael, kailanman hindi kita malilimutan! Mahal kita! Paalam!”
Love is patient, love is kind. it does not envy, it does not boast, it is not proud. it is not rude, it is not self-seeking, it is not easily angered, it keeps no record of wrongs. Love does not delight in evil but rejoices with the truth. it always protects, always trusts, always hopes, always perseveres. Love never fails....and now these three remain: faith, hope and love. But the greatest of these is love.(NIV) ---I Cor. 13:8a and 13---


by: zelle