Photo from http://inutiles.wordpress.com/category/tradition/ |
Story : Yung batang ibinigay lahat ng lakas niya para iahampas yung stick, pero walang napala.
Lesson : "Ganito yan, siya yung taong nag expect. Ibinigay niya lahat lahat. pero in the end, siya yung nasaktan. Siya yung walang napala. Siya yung kawawa."
Lessons learned from BASAG PALAYOK #2
Story : Yung batang lumampas na sa palayok tapos may isang tao na hindi kasali sa game tulad ni Emmanuel (HAHA) ang tinapik ng payong yung stick na kapit nung bata. Tapos biglang hampas si bata. Ayun! WALANG NAPALA.
Lesson : "Siya yung taong may nafeel lang na konting pagmamahal or care, IN LOVE AGAD AGAD! malisya agad teh? Pero in the end, siya yung talo. Siya yung nagbigay ng lahat lahat pero walang bumalik sa kanya."
Lessons learned from BASAG PALAYOK #3
Story: Yung batang lumakad lang ng ilang hakbang, palo agad! in the end, WALANG NAPALA.
Lesson: Sumigaw ako, "BAKIT DI MO TINULOY!? EDI SANA KAYO NA NGAYON!" gets mo yung lesson? wag nang paiba-iba ng isip. Kung gusto mo, ipaglaban mo! Hindi yung ilang lakad mo plang at nasaktan ka, give up agad
Lessons learned from BASAG PALAYOK #4
Story: Simple lang, yung batang hindi napalo yung palayok.
Lesson : Alam mo yung sayang? "KAMI YON" wika niya. HAHA. Sometimes, we only have one chance sa mga bagay-bagay. Pero nung nagamit na natin yung chance na yun, wala tayong napala. And remember, sa larong basag palayok, "THERE ARE NO SECOND STRIKE" so think about it. Don't just give away love easily, kasi baka MASAYANG.
Lessons Learned from BASAG PALAYOK #5
Story: Yung batang pagkatagal-tagal naguumikot sa paligid ng palayok. hanggang sa lumayo na siya sa palayok, in the end, WALA PADIN NAPALA.
Lesson: Ito yung taong tinatawag nating, TORPE? hahaha. aali-aligid sa taong gusto niya. Ang tagal tagal na pala niyang gusto hindi pa sinasabi, kaya ang ending, wala siyang effort, wala nangyari, walang "SILA"
Lessons Learned from BASAG PALAYOK #6
Story: Yung palayok, paggewang-gewang. So ang tendency, hindi mapapalo nung bata yung palayok. So yung bata, lumakad, lumiko, lumayo sa palayok, tapos bumalik, ang tagal! Pero matiyagang hinanap at pinakiramdaman yung palayok. Hanggang sa ayun! Napalo niya yung palayok at nabasag na toh.
Lesson: WAIT. Ito yun eh. Wait lang friend. Pero alam mo yung EFFORT? Mah
alaga din yun. Kelangan mong mageffort. Katulad nung bata, kahit alam niyang umiiwas sa kanya yung palayok, nag effort siya na lumayo muna para bigyan toh ng space at bumalik siya nung alam niya ready na siya tapos nag effort din siya na makuha yung attention ng palayok pala tumigil na toh sa pagiwas. Ganun din tayo. EFFORT WHILE WAITING LANG. Kahit matagal, tyaga lang dre. Tiwala lang. Makukuha mo din yan. Pero ang tanong, "Masaya ba naman siya sa kung anong nakuha niya?" Hindi. Kasi sa larong Basag palayok, ang nakabasag ang pinaka-kawawa. Siya na yung nakabasag, siya pa yung walang nakuha mula sa palayok. IBA PADIN ANG NAKINABANG.
:( hay ang lungkot.
:( hay ang lungkot.
No comments:
Post a Comment