Candice Point of View (POV)
Kailan ba ang unang beses mong maramdaman ang magmahal? Kelan mo ba sinimulang mag hintay? At hanggang kalian ka mag aantay?
As for me, it was 5 years ago. I fell in love with a boy. Yes, a boy who is 7 years younger than me. Awkward right? So, 2nd highschool palang siya nung magkita kami. I saw him and nothing really special happened.
“Ate, pink ba ang favorite color mo?” Tinanong niya ako noon at our first meeting. It was just nothing at all kasi parang, Hello? Unang pagkikita nalang naming favorite color agad? Di ba pwedeng pangalan muna? Nakakatuwa kasi when we first met, grabe! Ang tagal naming nag-usap. I really felt so comportable nung makausap ko siya. We were laughing, sharing some thoughts, drawing at each others hand and playing thumb boxing. It was some kind of childish ways, so I asked him, “Ilan taon ka na ba?” I was waiting for his answer. Ang tagal kasi niya sumagot. Ewan ko ba sa kanya. May pagka-ewan din kasi tong batang toh. So he said, “14 na po ako ate. Ikaw po?” Hmmm. 14 huh? Wow! And I said, “hmmm. Hulaan mo. HAHA. Wag na. 21 na ako. 7 years older. Teka anong pangalan mo? Kanina pa tayo nagkukulitan dito a.” He laughed and get shocked nung sabihin kong 21 years old na ako. Di ba halata? HAHA. “Ate. Ate talaga! Parang po kayong 16 o kaya 15 lang. Hmm. Alex nga po pala.” Hmmm. Not bad huh? Mukhang bata pala ako. So at the moment na nag shake hands kami, naramdaman kong nanginginig siya at namumula. “Ah. Ang bata naman nun. So I’m ate Candice. Natatakot ka ba sakin?” Tinanong ko siya, kasi sino ba naman ang taong manginginig ng ganun ng wala lang? “Hindi po ate. Natutuwa lang po ako. Ang ganda niyo po kasi tapos ang sarap kasama tapos ang galing niyo pa kumanta. IDOL ATE!” Although he was acting a little childish that time, he captured something in me. Sinabi ko nalang sa sarili ko, why would I like someone who is much younger than me? Kasi naman. It’s a little awkward to think na mas bata sakin ang nagugustohan ko at take note, upon first meeting, I liked him.
Minsan may pagkakataon na sinasabi niya sakin, “Ate, hintayin mo ako huh? Ako nalang ang future boyfriend mo. Pag 21 na ako, boyfriend mo na ako!” Natatawa ko namang sinabi,”Alex pag 21 ka na, 28 na ako. Syempre, tatanda padin ako!”
2 years had passed. He never stops acting weird. Binibigyan niya ang ng notebook na pink, flowers na pink, chocolates na pink, couple shirt na pink, sapatos na pink, at unan na pink. All of those really matters to me. Aside from the fact na lahat yun ay pink, I was overwhelmed to think na someone is putting so much effort to give me these things. Pero teka? Galing sa baon toh ah? So nung magbigay siya ulit sakin, this it was a pink pen. Tinanong ko siya, “San mo nakukuha yung pambili mo dito?” He looked down and said, “Pinagtrabahuhan ko po yan. Nagtrabaho po ako at sumali sa mga contest. Just for you ate.” I was shocked. Grabe lang? He was working all this time just to give me this? But I am still a little confused so I asked him, “Para san ba toh?” This 16 year old boy held my hands, looked into my eyes and handed me a bracelet, this time silver na siya, and said, “Gusto kitang ligawan ate, pwede po ba?” Oh no! A 16 year old boy is courting a 23 year old lady? No way! I just said, “Huh? Pero…” Nawala ako sa sarili ko ng konti kasi in my 23 years of existence, ngayon palang may nagsabi sakin niyan. And I admit it, kinilig ako sa ginawa niya. Paano ba toh magagawa ng 16 years old eh wala pa siyang alam sa love! “Ummmm. Alex kasi…I am 7 years older than you” Tapos mas lalo niyang hinawakan ang kamay ko. “Pero, age doesn’t matter diba? I poprove ko sayo na tama yon” Ewan ko. Gusto sabihin, ‘Sige. I want to see you to grow with me’ pero I said, “Alex, out there in the bigger picture, mas madaming deserving na babae na kasing edad mo. And I know hindi pa ito right time. Siguro ako nga yung para sayo, pero hindi ngayon.” He cried. Nasaktan ako nung makita ko siyang umiiyak na parang bata. Oo. Bata pa siya, pero sa pagkakakilala ko sa kanya, siya yung 16 years old na parang hindi 16 years old.
Syempre. After what happened, naapektuhan ang friendship namin. Nag-uusap kami, oo. Pero unlike before na parang unli kami sa usap. But then I saw him with a younger girl. It hurts a bit. Pero that’s how I want it to be eh. Gusto ko makakita nalang siya ng mas bata sakin para malimutan nalang niya yung feelings niya sakin. Pero lumapit siya sakin. Nahalata ata niyang tiningnan ko sila, “Ate Candice, nagseselos ka ba?” Oo. Nagseselos ako. Pero di ko naman sinabi yung syempre and sinabi ko lang, “Hindi. Natutuwa nga ako e. At least you found someone na ka-age mo di ba?” Tapos ayan na naman, hinawakan na naman niya kamay ko, this time sobrang higpit na talaga. “Kasi ate, pinsan ko po siya. And I am still hoping na meron “TAYO” in the future. Please Ate Candice. Let me prove it to you. I love you…” Those last words from him keep repeating to my ear. Baket? Bakit mo ako mahal? Ano ba! I’m confused. I’m having a mini heart attack. Grabe! Bakit kailangan dumating sa point na ganito. Dinagdag pa niya, “Ate, kahit 7 years ang tanda mo sakin, I don’t care. Gusto ko lang mahalin ka. The first time na magkita tayo ate naramdaman kong ikaw na talaga. Please let me prove it you na tapat ako ate. Handa akong mag intay ng 5 years or more para lang maging bagay na tayo. Pwede mo ba akong intayin ate? Please?” Waaaaaaaaaaaa! Iintayin ko siya? Eh paano yun pag inantay ko siya, baka naman ako ang maging single forever! Pero ewan ko ba. There’s something inside me na nagsasabing, “Sige na. Open your heart to him. It is not a sin to love a younger person.” So dahil dun I said, “sige, let’s wait” Then hugged me and kissed me on my forehead. “I love you so much ate Candice.”
A month after. Pinuntahan ko siya. I have to say something to him. “Bakit?” He asked me with a questioning face. I said, “Aalis ako. Pupunta ako ng Indonesia at magtatravel around ASIA for 5 years. Willing ka paring bang mag intay?” He hugged me so tight. It was as if I will be leaving tomorrow kahit by next 2 weeks pa ang flight ko. “Ate Candice, kahit anong mangyari, iintayin kita.“ He was crying while saying those words. Nung marinig ko yun, parang mas nahihirapan akong umalis. I was too attached with this boy kaya parang isa na siya sa dahilan ko kaya nahihirapan akong umalis. “Please keep your purity as I keep mine. Pag balik ko, malalaman na natin ang sagot. Basta we’ll wait. We’ll pray for God’s will.” While tapping his shoulder, I said those words just to comfort him. I just wish that it was comforting.
Departure. Ito na, aalis na ako. He was there. Kilala na siya ni mama at minsan, natatawa yung mama ko kasi sa edad kong 23, I still captured a 16 year old boy’s attention. He was standing there beside me. Hmmm. I will miss him. “Mag iingat ka huh?” As he place his left arm unto my shoulder. And by the way, he’s taller than me. I said, “Oo naman. Ikaw din mag iingat. Dami magkaka crush sayo jan. Tapos di ba magkacollege ka na. Nako makakahanap ka na ng iba.” Tapos parang nagalit siya sa sinabi ko. Tinanggal niya yung akbay niya sakin tapos umalis siya. Sinundan ko naman siya, “Hoy. Anong problema mo?” I shouted at him then he said, “Hindi ka ba talaga naniniwalang aantayin kita? Na mahal kita? Na ikaw lang ang mahal ko? Na pag-balik mo, walang magbabago? Huh?” Tapos nilapitan ko siya. Thinking of some ways to comfort him. One thing I did was, I hugged him and said “Gusto ko lang maging masaya ka. Pero sige. Mag-iintayan tayo. Pag-balik ko, asahan mo walang magbabago. Huh? Behave ka!” Then I saw a smile on his face as he places his lips on my forehead. So sweet! And he said, “Sige ATE Candice, Nothing will change.” Tapos ayan na. Tinawag na yung flight number ko. Waaa. It’s time to go na. Nag goodbye ako sa parents ko, mga pamangkin, kapatid at syempre, kay Alex. Kita ko sa mukha niya yung lungkot dahil habang kinakaway niya ang kamay niya sakin, naluha siya.
After 5 years, mejo mabilis ang mga pangyayari. Ang dami kong napuntahan. Halos buong ASIA ang nalibot ko. Sunod naman ang Philippines at world. Since ang field of work ko ay travelling, nawala sa isip ko ang mga lovelife na yan. Pero Alex never left my mind. Kahit saan ako magpunta, siya naiisip ko kaya sa bawat bansa na napupuntahan ko, nabili ako ng something na ibibigay ko kay Alex. Umabot na nga sa halos isang bag yung mga pasalubong ko sa kanya e. Excited na akong umuwi sa pinas. Para bang ito lang ang first time kong pumunta sa Pilipinas at ganito ako ka excited umuwi. At the Airport. Nakita ko na ulit sa wakas si ate, mga pamangkin ko at si mama at papa. Pero wala siya. Sinenyas ko nalang kay mama kung kasama ba nila si Alex but sadly, sabi ng mama ko hindi daw siya sumama at may kailangan daw syang gawin. Hay… bakit ba siya agad ang hinahanap ko?
Alex POV
5 years ago. Na-inlove ako sa tinuturing kong Ate, si Ate Candice. 7 years man ang tanda niya sakin, wala akong pakialam. Basta alam ko mahal ko siya at pinagdesisyonan ko ang mahalin siya. Naalala ko pa nung unang beses ko siyang makita. Kumakanta siya nun. Tapos after niyang kumanta, nilapitan ko siya at tinanong ko siya, “Ate, pink ba ang favorite color mo?” HAHA. Oo. Alam kong nakakagulat na itanong ang ganung tanong pero ewan ko din bakit yun ang natanong ko. Ah! Kasi pink yung gitara niya. Wooo! So ayun, tama naman yung hula ko na pink nga yung favorite niyang kulay. Ewan ko ba. Nag-click agad kami ni ate Candice sa araw na yun. Pero mga after ilang minutes pa na nag-uusap kami, tsaka palang namin nalaman ang edad at pangalan ng isa’t-isa. Oo, nagulat ako nung malaman kong 21 years old na siya. Pitong taon lang naman ang agwat ng edad niya sakin. Gusto ko na siya nung mga panahon na yun. Maganda kasi siya pero siya yung maganda na hindi nakakasawang tingnan. Ang cute talaga ni ate. Lagi ko nga siyang pinipisil sa pisngi niya. Hahah.
Naging sobrang close kami. Sa sobrang gusto kong suyuin siya, nagtrabaho ako sa isang fast food chain at sumali ako sa mga pa contest sa barangay naming para magka pera ako. Gusto kong ibigay sa kanya yung mga bagay na pinaghirapan ko. Binigyan ko siya ng mga bagay na lahat kulay pink. Natutuwa ako sa tuwing pumupunta ako sa bahay nila para bisitahin siya. Nakakausap ko ang nanay niya. Nanay na nga din ang tawag ko sa nanay niya. Kalaro ko pa minsan ang mga pamangkin niya. Sobrang saya ko sa tuwing makikita ko yung mga ngiti niya sa tuwing makikita niya ako at sa tuwing binigyan ko siya ng regalo. Pero isang gabi nang magpunta ako sa kanila, parang nagbago ang lahat. Siguro nagtaka nadin siya kung saan ba ako kumukuha ng pera para bilin sa kanya lahat ng regalo na yun. At ayun, nasabi ko na nga sa kanya na gusto ko siya. Hinawakan ko ang mga kamay niya. Yun yung gabing pakiramdam ko hawak ko ang mundo ko. Sobrang mahal ko siya. At sa mga panahong hawak ko ang kamay niya, nanginginig ako. Natatakot akong baka pag bitaw ko sa mga kamay niya, mawala nadin siya. Matapang kong sinabi sa kanya habang binigay ko sa kanya ang isang bracelet, “Gusto kitang ligawan ate, pwede po ba?” Natatakot akong malaman ang sagot niya. Ayokong ma-basted. Pero kung siya ang mambabasted sakin, hindi padin ako titigil. Tapos sinabi niya sakin, “Huh? Pero…” Oo. Pero… alam kong isasagot niya sakin yan. Sino ba naman kasing 16 years old na lalaki ang matapang na manliligaw sa isang 23 years old na babae. Ako lang naman yun. Gusto ko talaga si ate Candice at hindi ko na kayang pigilan ang nararamdaman ko. Gusto ko siya sa hindi ko malamang dahilan. At kahit anong mangyari, ipaglalaban ko siya. Tapos sinabi niya sakin, “Alex, out there in the bigger picture, mas madaming deserving na babae na kasing edad mo. And I know hindi pa ito right time. Siguro ako nga yung para sayo, pero hindi ngayon.” Ang sakit. Sobrang sakit. Pinagtatabuyan ba niya ako? Ewan ko. Pero sa loob loob ko, sige, antayin mo lang yung araw na ,may edad na nadin ako, mamahalin mo rin ako. Pero hindi. Hindi ko pwede ipagsaksakan sa kanya ang sarili ko kung ayaw niya talaga. Kasi naman,syempre mas gugustuhin na niya yung kasing edad niya. O kaya naman yung mas matanda naman sa kanya. Umiyak nalang ako na parang bata. Gusto ko siyang yakapin pero hindi ko ginawa. Baka mas mailang siya sakin. Tsaka ko nalang binitawan ang kamay niya para pahirin ang luha ko. Umalis ako sa harapan niya at dala ko ang takot nab aka dahil dito mag bago kami sa isa’t-isa.
Tama nga ako. Nagbago nga kami. Nag-uusap padin kami pero hindi na tulad ng dati. Namimiss ko na ang ate ko. Siya kasi yung ate ko na madaming naitulong sa akin. Tinutulungan niya ako sa projects ko, sa assignments ko, sa pag rereview ko, at minsan nag aadvice siya sakin kapag nagkakaproblema ako sa bahay namin. Naging ate siya sakin. Parang kapatid niya na nga ako kung ituring. Kahit anong pang-aasar ko sa kanya hindi man lang siya sakin nagagalit. She’s like a perfect girl for me. Hindi na ako makakakita ng babaeng tulad niya. Isang araw, nakita ko siya. Tinitingnan niya ako habang kasama ko ang pinsan ko. Nagseselos ba siya? Na confirm ko yun nung tinanong ko siya, “Ate, nagseselos ka ba?” Tapos tiningnan ko siya sa mata. Nagseselos nga siya tapos sinabi pa niya, “Hindi. Natutuwa nga ako e. At least you found someone na ka-age mo di ba?” Oh diba! Nagseselos nga siya! Kasi iniisip niya na girlfriend ko yung pinsan ko. Kaya sinabi ko sa kanya, “Kasi ate, pinsan ko po siya. And I am still hoping na meron “TAYO” in the future. Please Ate Candice. Let me prove it to you. I love you…” Nakita kong nanlaki ang mata niya nung sabihin ko ang salitang “I love you” Ang sarap sabihin sa kanya ng mga salitang yun. Dahil alam kong kapag sasabihin ko sa kanya yun, nanggagaling talaga yun sa puso ko. Tapos sinabi ko pa sa kanya, “Ate, kahit 7 years ang tanda mo sakin, I don’t care. Gusto ko lang mahalin ka. The first time na magkita tayo ate naramdaman kong ikaw na talaga. Please let me prove it you na tapat ako ate. Handa akong mag intay ng 5 years or more para lang maging bagay na tayo. Pwede mo ba akong intayin ate? Please?” Ngayon lang ako nagseryoso ngayon ng ganito. Gustong gustoko talaga si ate. Mahal na mahal ko talaga siya. At nagdiwang ang buong pagkatao ko nung marinig ko sa kanyang, “sige, let’s wait” Hindi alam ni ate Candice kung gaano niya ako napasaya ngayon. Sobrang saya ko at hindi ko na napigilang yakapin siya at i-kiss siya sa noo. Hay. Ang sarap niyang mahalin. Ang sarap niyang yakapin. Ayoko nang tanggalin ang braso ko sa kanya at ang labi ko sa noo niya. Gusto kong yakapin siya lagi ng ganito. “I love you so much ate Candice” Muli ko na naming nasabi sa kanya ang mga salitang yan. At gusto ko yang sabihin sa kanya araw –araw, gabi-gabi, oras-oras, minu-munito, lagi-lagi!
Isang buwan na ang nakakalipas nang ligawan ko siya. Araw – araw ko siyang pinupuntahan sa bahay nila at minsan, sinasama ko siya sa bahay. Naging close na nga sila ni papa at minsan, siya ang nagluluto sa bahay. Ang sarap din niya magluto! Tapos isang gabi, pumunta siya sa amin. Ewan ko ba kung matatawa ako nung makita ko siyang naka pajama at naka t-shirt na malaki. Tutulog na ba siya? O dito siya matutulog? HAHA. Pero tinanong ko nalang siya, “Bakit?” Tapos parang nawasak ang mundo ko nung sabihin niyang, “Aalis ako. Pupunta ako ng Indonesia at magtatravel around ASIA for 5 years. Willing ka paring bang mag intay?” Bakit kailangan pa niyang umalis? Bakit ngayon pa? Pero sabi ko sa kanya, “Ate Candice, kahit anong mangyari, iintayin kita.” Habang yakap ko siya, sinabi ko ang mga salitang yun. Oo. Kaya kong mag-intay kahit gaano pa yan katagal. At alam kong kahit ano pa man ang mangyari, hindi siya mawawala sa puso’t-isip ko. Sinabi pa niya nun, “Please keep your purity as I keep mine. Pag balik ko, malalaman na natin ang sagot. Basta we’ll wait. We’ll pray for God’s will.” Ito ang isa ko pang gusto sa kanya, may takot siya kay Lord, tulad ko din. Kaya ko din siya piniling mahalin dahil dun. Alam ko kasing kapag siya ang minahal ko, sang ayon si Lord. Siya din ang babaeng matagal ko nang pinag-pepray kay Lord. At alam kong mas mahal ko si Lord kesa sa kanya, at ganun din siya. Kaya masaya din ako na pupunta siya ng ibang bansa dahil alam kong para kay Lord naman ang gagawin niya.
Aalis na si Ate Candice ngayon. Nalulungkot man ako ngayon, part of me was happy, kasi alam kong matagal nadin niya yun pinag pray. Kahit noong bago pa man niya ako makilala, alam kong yun na ang gusto niya gawin. Sumama ako sa kanila paghahatid sa airport. Gusto ko siyang makita sa pag-alis niya. Gusto ko na yung mukha niya ang matatandaan ko sa susunod na limang taon. Gusto ko ngayong araw na ito, siya lang ang kasama ko. Habang nag-aantay kami ng pagtawag ng flight niya, nakatayo kami pareho at nakatingin sa kawalan. Gusto kong mag-spend ng time sa kanya ng ganito kami. Parang walang iniisip kundi ang isa’t-isa. Inakbayan ko siya at sinabing, “Mag-iingat ka huh?” Dahil mas maliit naman siya sakin, madali sakin ang akbayan siya. Tapos bigla nalang siyang nagsalita, “Oo naman. Ikaw din mag iingat. Dami magkaka crush sayo jan. Tapos di ba magkacollege ka na. Nako makakahanap ka nang iba.” Ewan ko ba bakit bigla nalang akong na bad-vibes sa sinabi niya. Hindi ba siya nagtitiwalang aantayin ko siya? Tapos umalis ako sa tabi niya, hinabol nalang niya ako at sinabing,” Hoy. Anong problema mo?” Nakita ko sa mga mata niya ang pag-aalala.At least nararamdaman kong may care nadin siya sakin. Sinagot ko naman siya, “Hindi ka ba talaga naniniwalang aantayin kita? Na mahal kita? Na ikaw lang ang mahal ko? Na pag-balik mo, walang magbabago? Huh?” Wooo! Sana maging epektib ang drama kong toh. Although alam kong totoo naman lahat ng sinabi ko sa kanya, natutuwa parin ako dahil ganito ako ka serioso sa kanya. Niyakap niya ako. Waaaa. Sobrang saya. Parang nararamdaman ko na yung sinasabi niya lagi na butterflies on my stomach. Tapos sinabi pa niya, “Gusto ko lang maging masaya ka. Pero sige. Mag-iintayan tayo. Pag-balik ko, asahan mo walang magbabago. Huh? Behave ka!” Tapos binigay ko sa kanya ang matamis kong ngiti. Gusto kong wag niyang makalimutan ang ngiti kong yon. Kasi nalabas lang naman ang ngiti kong yon nang dahil sa kanya e. then I kissed her on her forehead para lang iparamdam ko sa kanya na sobrang mahalga siya sakin at handa akong mag-antay kahit kalian. Then I said, “Sige ATE Candice, Nothing will change.” Tapos tinawag na yung flight number niya. Waaa. Aalis na talaga si Ate Candice. Hiwakan ko nang mahigpit yung mga maliliit niyang kamay. May gusto pa sana akong sabihin sa kanya pero kailangan na talaga niyang umalis. Nagpaalam na siya sa mama niya,sa papa niya, sa mga kapatid niya at sa mga pamangkin niya. Naiiyak ako. Sobra. At habang palayo na siya ng palayo sakin, sinasabi kosa sarili ko na, “Ate Candice, babalik ka huh? Intayin mo ko, at iintayin din kita. Sobrang mahal kita.” Pero hindi ko na nasabi sa kanya yon at kumaway nalang ako sa kanya habang may luha sa mga mata ko. “Mamimiss kita ate Candice.”
It’s been 5 years ng pag-aantay. Pero ang 5 years nay un ay para lang 1 araw na pag-aantay sa kanya. Excited na ako sa pagbabalik niya. Excited na akong makita niya akong ganito. Yung bang may edad na. 21 na ako ngayon. Talagang pinag-pray ko kay Lord na ihanda niya ako sa muli naming pagkikita ni ate Candice. Gusto ko na ulit makita ang maamo niyang mukha. Gusto ko na ulit pisilin ang mataba niyang pisngi. Gusto ko na ulit hawakan ang maliliit niyang kamay. Gusto ko na ulit siyang makasama. Pinaghandaan ko talaga ang pagkikita namin. Halos 2 days bago siya umuwi,naghahanda na ako. Gusto ko maging memorable sa kanya ang pagbabalik niya. Hindi nalang ako sumama sa pag sundo sa kanya sa airport dahil gusto kong maging mas special toh. Pinakiusapan ko pa ang mama niya na sabihing minsan nalang ako makita ng mama niya kahitparang araw-araw ko naman talaga sila binibisita. For 5 years, nag-aral akong mag gitara at kumanta para maharana ko siya. Narinig ko nang may nagbubukas na ng gate nila. Nasa 3rd floor nila ako. Nag-ayos talaga ang ng sobra dito. Tapos sabi ng mama, “Candice, punta ka nga sa 3rd floor.” Siguro nagtataka si Ate Candice kung bakit siya pinapa-akyat ng mama niya, “Bakit naman mama?” Iniimagine ko ang mukha niya, alam kong wala parin nagbago sa kanya, maganda parin siya. Siya parin ang Ate Candice ko 5 years ago. Nagkakatuwang isipin na ngayon, isang floor nalang ang pagitan naming. Kung noon, millions miles ang pagitan naming, pero ngayon isang floor nalang! Waaaa! Gusto ko nang bumaba at yakapin siya pero hindi ko magawa dahil masisira ang mga plano ko. Bigla siyang nagsalita, Natatawa ako kasi ako ang hinahanap niya. Mahal niya nga rin ako. Inintay niya rin ako. Ang saya ko. Sobra! Tapos narinig ko na yung yapak niya na papataas na sa 3rd floor. Masunurin talaga si Ate Candice! Tapos sumigaw siya, “WAAAAA! MAMA!”Umakyat naman ang mama niya at tinanong siya, “Ano naman yon?” Ano nga ba yon? Waaa. Bababa ba ako? Hindi! Relax ka lang Alex! Makikita mo nadin siya. Ayan na siya! Tapos sabi niya, “Bakit may rose petals?” Ah Ah! Grabe lang si Ate Candice! Ganun padin talaga siya. “Ay… Yun lang pala! Basta umakyat ka na nga lang” sabi naman ng mama niya. Unti-unti ko nang nakikita ang dulo ng ulot niya. Ang maganda niyang buhod, ang noo niya na madalas kong halikan, ang pisngi niya na madalas kong pisilin, at ang mukha niya napakaganda. Sinimulan ko nang pagtugtugin ang gitara ko at kinanta ko yung “Kasama kang tumanda” Hindi naman talaga naming favorite toh, pero ito ang kinanta ko dahil gusto ko siyang makasamang tumanda. Kahit makulubot na ang mukha niya, at kahit pumuti na ang mga buhok niya, siya parin ang pinaka magandang babae para sakin. *Guitar Strum*
Itong awiting ito
Ay alay sayo
Sintunado man tong
Mga pangako sayo
Ang gusto ko lamang
Kasama kang tumanda
Patatawanin kita
Pag hindi ka masaya
Bubuhatin kita
Pag nirayuma ka na
O kay sarap isipin
Kasama kang tumanda
Sasamahan kahit kailanman
Humigit kumulang di mabilang
Tatlumpung araw sa isang buwan
Umabot man tayo sa three thousand one
Loves na loves parin kita
Kahit bungi bungi ka na
Para sa akin ikaw parin
Pinaka magandang nilalang
O kay sarap isipin
Kasama kang tumanda
At nangangako sayo
Pag sinagot mong oo
Iaalay sayo buong puso ko
Sumangayon ka lamang
Kasama kang tumanda
Lahat ng sinabi ko sa kanta ay kulang pa sa gusto kong sabihin sa kanya. Tapos narinig ko siya, “Alex…” Nakita ko ding may luha siya. Lumapit ako sa kanya at kinapitan ko ang pisngi niya habang pinapahid ko ang mga luha niya, “Ate Candice, wag ka na umiyak, inintay kita, sabi ko naman sayo di ba? Kahit anong mangyari, ikaw parin.” Tapos sinuntok niya ako. Hindi naman masakit yung suntok niya kasi walang force. HAHA. Ang cute niya talaga. “Akala ko nakalimutan mo na ang usapan natin e.” Hay. Hindi ako makapaniwalang nasa harapan ko muli ang taong pinakamamahal ko. “Hmm. Bakit ko naman kakalimutan yon? Ate Candice, 21 na ako. Graduate nadin ako sa college at nagtatrabaho na ako sa isang Christian company. Isa nalang ang kulang ate, ikaw.” Nakita ko ang mga mata niya na tumingin sa mga mata ko. Para ko nadin tinitingnan ang mundo ko. “Alex, ang laki mo na. Binata ka na. And I think you’re ready now.” Tapos biglang may fireworks, “Pati ba yan kasali sa surprise mo sakin?” Tinanong niya ako. Kaya inakbayan ko siya at humarap kami sa fireworks display habang sinabi ko sa kanya, “Oo. Isa kasi yan sa pangarap mo diba? Ang manood ng fireworks kasama ang taong mahal mo. Sabi ko naman sayo gagawin ko lahat e.” Tumawa siya at sinabing, “At talaga nag aassume ka na na ikaw ang mahal ko noh?” Tinignan ko siya sa mata at kinapitan ang kamay niya, “Oo. Ako nga ang una mong hinanap nung dumating ka dito e” Tapos sinuntok na naman niya ako. Tumakbo naman ako at nahabulan kaming dalawa. Ang saya talaga. Kasama ko nanaman ang mahal ko. Tapos nagkasalubong kami. Nabunggo ko siya kaya muntikan na siya matumba, niyakap ko naman siya para hindi siya mahulog.Tiningnan ko naman siya sa mga mata niya tsaka ko tinanong, “Will you be my girlfriend?” Dinagdag ko pa, “Dun sa limang taon na wala ka, ikaw lang ang iniisip ko. Naging Dean’s Lister nga ako dahil sa pagiging sobrang inspired ko sayo. Mahal na mahal kita Ate Candice. At sa araw-araw na namimiss kita, mas lalong lumalalim ang pagmamahal ko sayo. I love you, ate.” Tapos niyakap niya ako. Mahigpit na mahipit. Tapos tiningnan niya din ako sa mga mata ko, “Alex, sa five years na yun. You never left my mind. In fact, sa bawat bansa na pinupuntahan ko, ikaw ang naiisip kong kasama ko. Kaya ayun. Nagpipicture ako sa lahat ng pupuntahan ko at pinapaframe ko para pag binigay ko sayo, para mo nadin napuntahan ang mga napuntahan ko. Actually, isang bag na nga yung pasalubong ko sayo. Puro something na galing sa bawat napuntahan ko.” Tapos umalis siya at kinuha yung bag na pasalubong niya sakin. Wow huh? Isang maleta! HAHA. Tapos binuksan namin isa-isa yung mga box na nandun. Bawat binubuksan namin na box, kinukwento niya yung mga karanasan niya sa mga yun.Ang daldal niya talaga kahit kailan. Pero habang nagkekwento siya, nakatingin lang ako sa kanya tapos bigla niya akong sinampal, “Nakikinig ka ba? Hmmm” Bigla naman ako natauhan, “Oo naman. Nakikinig ako, habang tinititigan ka.” Napangiti lang siya. Kinikilig siguro toh. Sarap kasi niyang titigan. “Hmm. Sige na nga. Alex…” Tinawag na naman niya ako. Bakit ganun? Ang sarap pakinggan ng pangalan ko pag siya ang nagsabi. “Bakit po?” tanong ko sa kanya at bigla naman niyan kinapitan ang mga kamay ko at sinabing, “Mahal din kita.”
Candice POV
Habang nasa byahe ako galing sa airport, naiinis ako. Naiinis ako na siya yung inaasahan kong magpunta sa airport para sunduin ako pero wala siya. Siya pa naman din ang nagpupumilit na intayin ko siya pero ito na at nawawala nalang bigla-bigla. Dumating na kami sa bahay, “Candice, punta ka nga sa 3rd floor.” Biglang utos sakin ni mama pagdating naming sa bahay. Bakit kaya? Anong meron? Hindi naman sinasabi ni mama sakin ang dahilan at ngumiti nalang siya sakin. “Hindi ba talaga magpapakita sakin yung batang yun? Hmm. Kainis naman oh.” Tinanong ko nalang ang sarili ko. Gusto ko siyang makita! Gusto ko siyang makasama! Pero bakit ganito? Bakit wala siya? Umakyat nalang ako. Nasa hagdan na ako pa-3rd floor nang makita ko na napaka daming rose petals sa dinadaanan ko, “Waaaa! MAMA!” Napasigaw nalang ako. Grabe kasi! Bakit ganito? Mejo nagegets ko na toh e. Nandito siguro si Alex. Waa. Lord! Sana andito nga po siya! Hanggang ayun, dahan-dahan akong umakyat sa 3rd floor at nakita ko nga siya. Waaa. Binata na siya. Hindi na siya mukhang totoy. Ang gwapo niya lalo. HAHA. Tapos bigla nalang siyang kumanta ng “Kasama kang tumanda” Kinikilig ako!!! Hindi ko naman favorite tong kantang toh pero alam kong way niya toh para sabihin na gusto niyang tumanda nang kasama ako. Yun din naman ang gusto ko. Naiyak nalang ako at binanggit ko nalang bigla ang pangalan niya, “Alex…” Tapos nilapitan niya ako para pahirin ang mga luha ko. “Ate Candice, wag ka na umiyak, inintay kita, sabi ko naman sayo di ba? Kahit anong mangyari, ikaw parin.” Tapos sinuntok ko nalang siya bigla. Haha. Walang force abah. “Akala ko nakalimutan mo na ang usapan natin e.” Tapos tiningnan niya ako sa mga mata ko habang sinasabi, “Hmm. Bakit ko naman kakalimutan yon? Ate Candice, 21 na ako. Graduate nadin ako sa college at nagtatrabaho na ako sa isang Christian company. Isa nalang ang kulang ate, ikaw.” Waaa. Wala akong masabi. Napaka speechless ko ngayong mga panahong toh. Kaya sabi ko nalang sa kanya, “Alex, ang laki mo na. Binata ka na. And I think you’re ready now.” Tapos bigla namang may fireworks. Isa kaya toh surprise niya? Nakakatuwa naman. Pangarap ko toh e. At pangarap kong gawin toh kasama ang taong mahal ko. Inakbayan niya ako habang nanonood kami ng fireworks. At sabi niya, “Isa kasi yan sa pangarap mo diba? Ang manood ng fireworks kasama ang taong mahal mo. Sabi ko naman sayo gagawin ko lahat e.” Wow huh? Talagang sure na siyang mahal ko siya. HAHAHA. “At talaga nag aassume ka na na ikaw ang mahal ko noh?” Natatawa kong tanong sa kanya. Ewan ba dito sa batang toh. Napaka – cool lang niya. Confident na confident! HAHA “Oo. Ako nga ang una mong hinanap nung dumating ka dito e” sagot naman niya. Waaa. Ganyanan huh? Sinuntok ko siya at nagkulitan naman kami. Nagtumakbo na kami sa 3rd floor namin. Ito ang namiss ko samin e. Ang mga childish na kulitan namin. Sana ganito nalang kami lagi. Ang I want to be this happy with him. Tapos muntik na akong matumba dahil nakabunggo ko siya. Pero sinalo niya ako at niyakap. And awkwardly, he looked into my eyes and said, “Will you be my girlfriend? Dun sa limang taon na wala ka, ikaw lang ang iniisip ko. Naging Dean’s Lister nga ako dahil sa pagiging sobrang inspired ko sayo. Mahal na mahal kita Ate Candice. At sa araw-araw na namimiss kita, mas lalong lumalalim ang pagmamahal ko sayo. I love you, ate.” Waaaaa. Sa sobrang haba ng sinabi niya sakin, natandaan ko lang ang salitang ‘mahal kita’ at and ‘will you be my girlfriend’. Speechless. Hindi ko alam ang isasagot ko kahit alam kong isa lang naman ang sagot ko, isang matamis lang naman na OO. Kaya sinabi ko nalang, “Alex, sa five years na yun. You never left my mind. In fact, sa bawat bansa na pinupuntahan ko, ikaw ang naiisip kong kasama ko. Kaya ayun. Nagpipicture ako sa lahat ng pupuntahan ko at pinapaframe ko para pag binigay ko sayo, para mo nadin napuntahan ang mga napuntahan ko. Actually, isang bag na nga yung pasalubong ko sayo. Puro something na galing sa bawat napuntahan ko.” Then umalis ako at napunta sa baba para kuhanin. Mabigat yun huh. Isang maleta lang naman kasi yun. HAHA.Tapos iniisa-isa namin yung mga pasalubong ko sa kanya. Tapos kinukwentohan ko narin siya at the same time. Pero mukha naman siyang hindi nakikinig eh at nakatingin lang siya sakin kaya sinampal ko siya, “Nakikinig ka ba? Hmmm” Bigla naman siya nagulat sa ginawa ko. Hmmm. “Oo naman. Nakikinig ako, habang tinititigan ka.” Napangiti ako. Sobrang kinikilig ako. Punong-puno nang kuryente ang katawan ko. Sabi ko nalang sa kanya “Hmm. Sige na nga. Alex…” May sasabihin ako sa kanya. At alam kong matagal narin niyang inantay ang panahon na sasabihin ko sa kanya toh. “Bakit po?” Tanong niya sakin. Tiningnan ko nalang siya sa mata at hinawakan ko ang mga kamay niya at sinabing “Mahal din kita.” Matagal nadin ang inantay ko para sabihin sa kanya yon. At nararamdaman kong pareho na kaming handa ngayon. Kahit 7 years pa ang agwat ng edad namin sa isa’t-isa, mahal naman ang isa’t-isa. Ang sarap sabihin sa kanya ng mga words na yun. And I want to tell him those words everyday. Alam kong sobrang saya niya ngayon. Kaya hindi ko tinanggal ang mga mata ko sa pagtingin sa mga mata niya. Gusto ko palaging titigan ang mga matang yon. Ang mga mata na nakakita ng sakin in a different way. After I said those words, he hugged me and said, “I love you more with the love of the Lord. I can’t say more, basta mahal kita. Mahal na mahal kita. And I want to spend my whole life with you.” Awww. That’s just the sweetest words I heard. I hugged him back as he places his lips unto my forehead. I lay down on his chest. I never felt so comportable before. But lying down on his chest was a great feeling. I never knew that I would love this boy who became a man. I love this man who waited for me as I wait for him. He who loves God like I love God, who loves God more than he loves me, and more than himself, more than anything else. And he said, “Hmmm. Sabi ko naman sayo pag 21 na ako, boyfriend mo na ako. Mahal na mahal kita.”
It’s true that age doesn’t really matter. Kahit gaano pa kalaki ang age gap niyo, you can be in love. Kahit gaano ka pa katagal mag-antay sa taong mahal mo, basta mahal mo siya, aantayin mo siya. Loving someone who is younger is not a sin; you just have to wait for the right time and for the right situation.
Original Story by : Rio Krizelle Rana
Based on: Nothing! Imagination lang toh. Wag isipin na nageexsist ang storyang toh.:D
Awwts.. Akala ko real. Parang same kasi ngayon sakin. Im 5yrs and 5 months ang age gap ko sa boy na sabi mahal ako.. Nakakarelate ako sa story, nagsstart palang ang story namin. Kaya nappresearch ako sa mga ganitong topic. Sa ngayon kasi parang nangliligaw na sya.
ReplyDelete