Maraming bagay ang nahihirapan tayong antayin. Maraming maiikling pagkakataon ang nasusubukan ang ating pasensya sa simpleng pagaantay. Minsan, dito pa natin nakikita ang tunay nating pagkatao. Matiyaga ba taong nagaantay sa mga simpleng bagay? O hindi padin natin kayang maging kalma sa mga ganitong pagkakataon?
Ang pag-iintay ay maiihahalintulad ko sa isang halaman. Lahat ng halaman ay nagsisimula sa isang maliit na buto. Para mamunga ito, kailangan itong itanim, diligan, at intayin mamunga. Diligan ng diligan at intayin pang lalong mamunga.
Isang kabataan ang minsang lumapit sakin. Sabi niya, "Ate, bakit ganito ang nararamdaman ko? Pakiramdam ko ay nagkakagusto ako sa kanya. Hindi ko maintidihan. Hindi ako makatulog minsan. Hindi ko malaman kung tama ba ito o hindi." Ang sagot ko? Mag intay ka.
Unang-una, hindi lahat ng bagay ay nakukuha mo ng agar-agaran. Pagpalagay nating maliit na buto ng isang halaman ang iyong nararamdam sa isang tao. Tapos tinanim mo, anong sunod? Didiligan mo. Sa buhay ng tao, inihalintulad ko ang pagdidilig sa araw-araw na pananalangin. Ipanalangin mo ang iyong nararamdaman. Sabihin mo sa Panginoon ang lahat lahat. Huwag kang magtago. At syempre, ang pinakamahalaga, mag-intay ka. ang paglaki ng isang halaman inaantay sa matagal na panahon para makita ang kagandahan nito. Gayon din sa pag-ibig. Kinakailangan mong intayin ito para makita mo ang kagandahan ng pag-ibig na idinaan at binugbog sa panalangin.
Minsan, hindi natin nakikita. Maraming bagay ang kailangan natin intayin at kailangan natin pagtiyagaan. Ang pagibig ay naaantay. Pero dapat mo din isipin kung ano ang mga bagay na dapat mong ginagawa sa iyong pagaantay. Manalangin ng manalangin at ibigay sa Diyos ang lahat. Iaalay sa Panginoon ang iyong buhay , puso at kaluluwa. Sa huli, ang Diyos mismo maglalagay sa iyong puso ng taong dapat mong ibigin.
No comments:
Post a Comment