Love
Keith Point of View (POV)For so many years, I never believed in falling in love, sparks, and mutual understanding. I never had relationship and never did I planned to have one. I'm Keith. I'm 23 years old and I'm a single, loveless, and workaholic photojournalist. Siguro kaya ako bitter sa mga love stories dahil sa mga naranasan ko sa buhay. Kumabit sa ibang babae ang Daddy ko nung 13 years old palang ako and my mom suffered from cancer for 4 years and died when I was 20. Solo lang naman akong anak kaya I learned to live on my own. I didn't finished my college degree and decided to pursue my mom's dream, to be a succesful photojournalist. Since then, pinaniwala ko na ang sarili ko na True Love don't exist. So why would I want it?
Everyday was just normal. Napunta ako sa office, napunta ako sa area kung saan may balita, at minsan, freelance fashion photographer din ako. Usual lang sa buhay ng isang mangunguha ng litrato ang buhay ko. Walang gimik. Walang barkada. Walang lovelife. Akala ko okay na lahat. Pero naramdam ko din naman na may kulang sa akin. Para mag-isip isip, nagpunta ako sa baywalk. Nag-muni muni lang at nagkukuha ng litrato. May nakita akong babae. Tama lang ang distansya niya sa akin, naiyak siya at parang nasasaktan. I took a photo of her then she looked at me with her teary eyes. I can't explain what I feel. Nasasaktan ako sa nakikita ko. I had a drop of courage pero tumagal lang yung ng milliseconds kaya umalis nalang din ako at nagpunta sa trabaho.
"Pre, kilala mo na ba yung bagong employee?" bigla akong kinuhit ng officemate ko. Medyo chickboy kasi siya. Pwede sa chick, pwede sa boy! Kaya kung may bagong empleyado, updated siya. Oo, hindi naman masamang alamin kung sino ang mga bago sa company, pero what for? HAHA. Suplado ako e. "Oh? Sino naman yon? For sure girlfriend mo na siya next week." Habang nakatutok ako sa mga ineedit kong mga photo. Bigla ko na naman nakita ang pinakapaborito kong litrato. Ang kuha ng isang babae naiyak sa baywalk kaninang sunrise. Ewan ko bakit favorite ko ito. Siguro dahil maganda ang babae? At tsaka I can feel na may mabigat siyang dinala pero I never grabbed the chance to talk to her kase, what for nga naman? AHAHA. "Pre! Yan yung bagong empleyado ah? Kilala mo na pala e! Bilis mo huh?" What? Siya toh? Imposible! Pero...ano naman kung siya toh? "Hmmm. Talaga? Anu naman?" Kunwari wala akong pakialam na siya ang bagong employee pero sa loob loob ko, gusto ko din siyang makita...ulit. "Sus! Pare! Pasuplado ka pa jan! Iiskoran ko na Keith huh? Nakakainis ka kase e! Lahat nalang ng crush ko sa'yo nagkakagusto pero hindi mo naman pinapansin! Akin yon huh?" Edi kanya! Lagi naman sakin sinasabi ni Aldrin yan pero wala naman akong pakialam. Pero bakit this time parang gusto ko siyang pigilan? Siguro dahil nakita ko nang umiyak yung babae so I therefore conclude na brokenhearted pa siya? Is this what you call caring?
The whole day, hindi ko naman siya nakita. Though hindi ko naman talaga siya hinahap dahil marami nadin ako ginawa. Pero, I keep asking myself, bakit kailangan makita ko siya sa baywalk? I really want to know why she's crying that morning. I'm curious. At aaminin ko, this was the first time that I ever lay my eyes on a girl.
The next morning, nagpunta ulit ako sa baywalk praying na sana andun siya ulit. But unfortunately, wala siya. Pumasok nalang ako nang biglang, "Awww!" Hala! May nabunggo ako. Napatumba pa siya. "Miss, okay ka lang? Sorry po miss, hindi po kita nakita." Tinulungan ko naman siyang makatayo. Bigla naman lumapit si Maam Lucile na boss ko. "Sheena, are you okay? What happened? Nasaktan ka ba?" Tapos tinanggal nung babae ang pagkakakapit sa kanya ni Maam. Wow! Guts! "Tita, enough. I'm okay." Then she looked at me. Napaka amo ng mukha at mata niya. "Thank you." At umalis na siya. Out of confusion, tinanong ko si Maam, "Maam, are you related to her?" Then Maam Lucile took me the someplace and sit, "Upo muna tayo... Yes. Pamangkin ko siya. And, she's special, to me. Keith, I trust you. Ayaw kasi niyang papakialam ko siya. Pwede bang bantayan mo siya, nang hindi niya alam?" Kahit hindi ko din alam kung anong dahilan, pumayag nalang ako kay maam kasi siguro importante yun.
Pumasok na ako sa office at nakita ko si Sheena sa tabi ng table ko. "Sheena, okay ka na ba?" Tapos bigla siyang tumayo at lumapit sakin, "I'm not asking you to care for me so please don't ask me!" Natulala nalang ako bigla. Nagtinginan silang lahat sakin. Tatayo ba sana ako para kausapin din siya at pagsabihan for showing that attitude pero pinigilan ako ni Aldrin. "Pre, relax. Badtrip daw siya. Nagtext sakin. HAHAHA"
Kung badtrip siya bakit niya ako dinadamay? Badtrip ah! Nabad-vibes na ako buong araw. Syempre. Bago ako magpunta sa condo, daan muna akong baywalk. Medyo nakakabadtip eh. Mahilig din ako sumigaw sa baywalk. At gusto kong ilabas ang sama ng loob ko ngayon. Wala pang babae ang nang ganon sakin, siya palang! "Badtripppppp!" Sumigaw ako ng malakas na malakas. Wala akong pake sa mga nasa paligid ko. Pero teka? May kasabay akong sumigaw. Napalingon ako, si Sheena! "Sheena..." Bigla siyang lumapit sakin. Nakita ko na naman ang mga malungkot at luhaan niyang mata. "Sorry kanina...ano lang kase e...ummm..." Tapos humagulgol na siya. Nako! Hindi ako marunong mag comfort. Hindi ko alam ang gagawin ko. Mukhang pag tinuloy pa niya ang sasabihin niya, lalo lang siyang maiiyak e. Paano ba ito? Tapos lumapit pa siya lalo sakin, "Ang hirap kase. Alam mo ba yon? Gusto ko lang naman mabuhay ng normal? Bakit hindi parin nila maibigay yon? Ayoko naaaa!" Parang nagbabadya siyang magpakamatay! Hala! Napayakap nalang ako sa kanya ng mahigpit at nasabi ko nalang, "Please. Wag. Wag mong hayaang masira ang buhay mo. Andito lang ako. Sige. Sasamahan kitang mabuhay ng normal." Ako ba ito? Tama ba ang mga salitang nasambit ko? Kasi bigla nalang siyang napalayo sakin "Sorry. Hindi ko na alam...umm. Sige. Alis na ako..umm?" I know she's asking for my name. "Umm. Keith. It's Keith." Tapos lumakad na siya palayo. "Umm. Sige Keith. I'll see you around." What is this? What is really is this?
Lumipas ang mga panahon, naging magkaibigan din kami ni Sheena. Siya ang unang officemate ko na sinamahan ko sa lunch at hinatid ko sa LRT. Siya din ang unang babae niyaya kong mag emote sa baywalk kahit pareho naman talaga namin hobby yun. There's something really special about Sheena na, siguro, nagustuhan ko. Nung una takot ako. Natatakot akong lunukin ang mga pinaniwalaan ko bago mamatay si Mommy. Pero I never knew na darating na ako sa point na ganito, in love na nga ata ako. Iba kasing klaseng babae si Sheena. Simple lang siya. Hindi nga siya nagmemake up kasi sabi niya allergic daw siya. Palatawa lang siya at alam kong kahit korny mga jokes ko, tinatawanan padin niya. Napaka-humble niya. Ang sweet at ang charming pa. Medyo may pagka mataray nga lang. Pero hindi ko na pinansin yun kasi one thing I'm sure, masaya ako pag kasama ko siya. I never felt this way before. Hindi ko alam kung kelan ba ako nagsimulang maramdaman toh sa kanya at hindi ko din alam ang rason. Ngayon, I think I must believe in true love. It really does exist. Pero, how can I be sure na mahal niya rin ako?
Matagal kong pinag-isipan toh. Kailangan ko na talagang aminin kay Sheena ang nararamdaman ko. "Sheena, lunch na tayo?" Inaya ko na siyang kumain pero parang wala siyang gana. "Sige Keith. Ikaw nalang muna. Dito lang ako." Nag-aalala ako sa kanya. Parang may problema na naman siya. Bakit ganon? Iniiwasan ba niya ako? "Sure ka ba? Sige. Bilan nalang kita ng pagkain." Nakatungo lang siya sa table niya at parang walang pakialam sa mundo. Umiling nalang siya na sign na wag ko nalang daw siya ibili ng lunch. Nagmadali akong kumain ng lunch para kausapin si Sheena, pero pagbalik ko sa office, wala na siya. "Pre, asan si Sheena?" Tinanong ko si Aldrin. Malamang alam nito yun. Crush na crush niya yun e! "Ah. Pre, umales! Nagtext saken." Asan naman kaya yung babaeng yun? Nahihirapan na akong huminga. Pakiramdam ko hindi ko na kakayanin kapag may nangyaring masama kay Sheena. Pinalipas ko nalang ang buong hapon dahil kailangan ko rin tapusin ang trabaho ko. Parang alam ko na kase kung saan siya pumunta. Siguro problemado na naman yun. After office hours, nagpunta agad ako sa baywalk para hanapin siya. Tama nga ako. Andun siya. Hindi na ako nagdalawang isip na lapitan siya. "Huy. Anong nangyari sa'yo? Sabi ko na nga ba dito kita makikita e." Tiningnan niya na naman ako. "Bakit mo ako hinahanap?" Bakit nga ba? Hala! "May sasabihin kase ako sa'yo." Tumungo nalang siya. Parang hindi siya interesado sa mga sasabihin ko. "Ummm. Sheena...hindi ko na hahabaan huh?... MAHAL KITA." Napalayo siya ng bahagya sa akin. "Keith. Hindi pwede...." Huh? Anong male? Okay kame di ba? Masaya siya? Masaya ako? Ito na ba yung sinasabi nilang heartache? Ang sakit kase. "Bakit?" Ayokong umiyak. Hindi ako iiyak. Pero ito palang ang unang pagkakataon na magmahal ako ganito pa. Lanjo naman oh! "Pwede mo bang iexplain sakin Sheena? Di ko maintindihan e. Masaya naman tayo di ba?" Tiningnan niya ako sa mga mata ko. May gusto siyang ipanintindi sakin pero hindi ko maintindihan. "Keith, oo. Masaya ako kapag kasama kita. Hindi ko rin maintindihan ang nararamdaman ko. Pero hindi pwede. Hindi talaga tayo pwede. Sorry If I gave you something to hope for pero talagang hindi pwede. Hindi ko rin pwedeng sabihin sayo kasi masasaktan ka lang lalo." Siguro may boyfriend na siya. O kaya may asawa na? Pero bakit kailangan mangyari pa sa amin toh? "May boyfriend ka ba? May asawa ka na? Or anak?" Napatawa naman siya ng konti.."Keith, wala! Dalaga ako. At wala akong boyfriend. Maiintidihan mo din ang lahat Keith. Soon..." Ano toh? Teleserye? Abangan bukas? Kaya ko ba siyang intidihin? "Pero... pwede bang mahalin kita?" Ewan ko. As I say those words, naluluha ako. Hinawakan niya ang mukha ko ang pinahid ang mga luha ko. "Hindi ka dapat umiiyak. Gustong kong maging masaya ka. You must find someone better than me. Please let me go." Hindi pwede Sheena! Ikaw yung mahal ko! Bakit kailangan mo akong ipagtabuyan in a nice way? "Sheena. Hindi ko kasi maintidihan lahat ng toh. Pwede bang bukas na tayo mag-usap. Ang sakit e." Tumayo siya na parang nagbabadyang umalis na, "I'm so sorry. I wish I could tell you everything. But I can't. I want you to be happy. I want you to move on with your life." Pero bakit pakiramdam ko, nung simulang makilala ko siya, saka lang nag move on ang buhay ko? Hinawakan ko ng mahigpit ang braso niya."Sheena, mahal na mahal kita. I won't let you go. Why don't you tell me everything?" Tinapon naman niya sa ere ang kamay ko..."Pwede ba Keith. I'm trying! Kalimutan mo na ako! Hindi kita mahal okay? Please? Walang tayo. Wag ka nang umasa!" At tumakbo siya palayo sa akin. Susundan ko siya pero my subconscious mind tells me not to. Inaantay ko siyang lumingon pero malayo na siya, hindi parin siya lumilingon, Dahil hindi ako naniniwalang hindi niya ako mahal, nasabi ko nalang"Kapag lumingon siya, kahit isang beses lang, susundan ko siya." Pero hindi siya lumilingon, napaluha nalang ako at napapikit. Pero pag-mulat ko, wala na si Sheena. Para bang panaginip lang ang lahat.
Suddenly, nakita kong nagkakagulo ang mga tao sa huling lugar na natanaw ko siya. Anong meron? May narinig nalang ako, "Yung babae! Bumagsak!" Babae? Baka si Sheena yon! Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa! Pumunta na ako sa nagkakatumpol-tumpol na tao at nakita ko nga si Sheena na nakahiga sa semento. "Sheena! Sheena! Sheena!!!!"
I rushed her to the hospital. Habang nasa ambulansya kami at hawak-hawak ko ang mga kamay niya, pinagdesisyunan kong kahit anong mangyari, ipaglalaban ko ang pagmamahal ko sa kanya. Kahit ilang beses pa niya akong itaboy. Kahit ilang beses pa niya akong saktan. I'm Keith, and whatever it takes, I will fight for LOVE. And I will never ever let her go.
No comments:
Post a Comment