"If you think that I can't accept you being in love with someone else, you're wrong. Wala akong magagawa kundi ang hayaan ka. Di kita papalayain dahil kahit kailan naman, hindi ka naging akin."
This is just a usual love story. Boy befriend the girl, girl falls in love, boy says they're just friends. Girl will cry. End of story. Pero gusto ko padin i-share ang kwentong ito.
I'm Saira. I'm 23 and I'm single since the day I existed in this world. I never cared if everyone around me is into a serious relationship. And actually, mostly of my friends come to me and ask me for an advice. "Hello? Single since birth here?" Yet, they still find my advises helpful. Hmmm. Siguro pag nagka-boyfriend na ako, maayos na ang magiging relationship ko with that guy. Ang galing ko daw mag-advice e.
When I was 17, sinabi ko sa sarili ko na hindi ako magboboyfriend hangga't hindi ako tapos ng pag-aaral. But when I was 19, I met Justin.
Third Year college na ako nun. Aaminin ko. Justin is simple. Hindi gustuhin. Hindi mala-prince charming ang dating. At sa sampung babae na makakasalubong niya, himala na ang isang papansin sa kanya. HAHA. Joke lang. May mga nagkaka crush din naman sa kanya. siya yung sa unang tingin,gwapo. Pero pag tumagal, simple nalang. Hindi siya katulad ng pinapangarap kong Korean Actor na si Lee Min Ho. Hahaha. Pero masaya ako na nakilala ko siya.
One day, I was sitting and reading a book at our university library. Then a guy asked me, "Miss, may naka-upo po ba dito." Awkward. Like so awkward. Baket? Kasi ako lang ang tao sa library that time pero dun pa siya pepwesto. "Ako." Sabi ko sa kanya with a mataray tone. "Umm. What I mean was here? Dito po." Sabay turo sa bangko na one bangko away from me. Uh yes. Okay. Medyo fool ako. "Umm. Haha. Wala. As you can see, tayo lang ang nagfifeeling na matalino this time sa library. So go, upo ka lang jan kuya." Tapos napatawa si Kuya at naupo. Few minutes later, umusap siya "Umm. Miss, Justin nga po pala." And he offered me a hand shake. I looked at his hands, looked at him, grab his hands and said, "Saira." Awkward. Kaya nagbasa nalang ulit ako. Then, "I like your personality. Napaka-interesting." Huh? So sa lagay na yun interesting pa talaga ang personality ko. Waaaa. This is unusual. Mejo off kasi ako sa mga boys na di ko kilala talaga. Ayoko kasi ng feeling close, feeling friendly, at feeling presko. Pero he seems interesting din. "Huh? Interesting pa yun e natarayan nga ata kita." While looking at his face, mejo napatulala ako. Hala! "Saira, okay ka lang?" Tapos, naging matino na ako. "Uh, yeah. Okay lang ako. Ummm. Una na ako. Gabi nadin kasi. Sige, bye!" Lumabas na ako ng library then I noticed na may sumusunod saken? "Huy? Bakit mo ako sinusundan?" Hala! Magnanakaw ata toh or something. "Ummm. Napansin ko kasing wala kang kasama or kasabay man lang pauwi, hatid na kita. Kahit hanggang sakayan lang." And he gave me that sweet smile that I would never forget. "Wag na. Okay lang ako." Pero makulit siya "Sige. Pauwi nadin naman ako. Sabay na ako." Makulet! "Sige na nga."
Hindi ko akalain na simula nang araw na yon, magbabago na ang buhay ko. I mean ang routine na nakasanayan ko na. When I got home, nag-fb ako. I checked my messages notification and then, friend requests. What? May friend request? Tapos mutual friend pa namin ang nag-iisang crush kong si Bernard. Hmm. Lemmee see. Then I realized na Justin ang name ng nag-add sakin? Justin? Ah! Justin! That guy I met few hours ago. Wow huh? Agad nahanap. So, mga 1 minute kong pinag-isipan kung ico-confirm ko ba ang request niya but in the end, Yes, kinonfirm ko nga. HAHA. Nag-message siya bigla. "Wow! Thank you sa pag-confirm Saira. It was really nice meeting you." Magrerelpy ba ako? Hmmm. Wag na... Tapos nag-message ulit siya, "Pwede bang makuha number mo?" *kroo-kroo* "Umm. Sige. Sana magkita ulit tayo. Goodnight!" Ummm. Kunware nakatulog na ako naiwan kong bukas ng fb ko or kaya umalis ako so late ko na nabasa. Nag type ako. "Hi Justin. Salamat sa pag-add" *backspaceeee*, type again. "Hi Justin. Here's my number..0926--" *backspaceeee* Hindi ko alam ang sasabihin. Hindi ko alam ang gagawin. Hanggang nakatulog na ako. Wala na. Nakatulog na ako.
Kinabukasan. "Uy. Saira." Waaaaa. Si Justin! "Uy. Justin." Uy! hahaha. "Naka-online ka kagabi di ba? Nabasa mo ba message ko?" Inside my head, iniisip ko kung ano ang sasabihin ko. Hinde? Kasi Tulog na ako nun? Eh kaso kinonfirm ko ang request niya. Hinde? Kasi umalis ako after I confirm his request? Waaaa. Amaylayer! Hindi ito karapat-dapat. "Ummm. Di ako nakareply e. Di ko alam sasabihin ko. :D" Truth, nothing but the truth. "Bakit naman?" Bakit nga ba Saira? Kasi nahihiya ako? Kasi natatakot ako? "Eh kasi... ummm. Inaantok na ako! *smiles*" Siguro naman naniwala na siya dun. Wooo! Sana! "Ah. ganun ba. Ah sige, so, can I get your number?" Hala! Ibibigay ko ba? Bakit ko ibibigay? Eh ang nagtetext lang ata sakin ay yung Nanay ko kapag pinapauwi na ako. O kaya yung mga classmate ko na maya't-maya nag-ggm. Anong pag-uusapan namin sa text? Bakit ganito? "Umm. don't worry. Nag-shift kasi sa course niyo. Ilang beses nadin kita nakita kase ka-section kita. Di mo lang ako napapansin kasi nasa unahan ka lagi. Matalino ka siguro. Kukunin ko lang number mo, since classmate kita. Okay lang ba?" sabi ko nalang. "Sige." Ahhh. Eh classmate ko naman pala ang mokong e! "Ano? Sabay na tayo pumunta sa room?" He asked me while looking directly into my eyes. Wow! He's..."Sige" Hala. Na-hypnotized agad ako dun? Hahaha.
"Saira, si Justin toh. Paki-save nalang ng number ko. Salamat! :) Sana maging close tayo para may kaibigan na agad ako sa class." Saktong pagdating namin sa room, tumunog ang cellphone ko at ito ang nabasa ko. Nako naman! Di ko ugali ang gumamit ng cellphone sa loob ng classroom. Tapos nag-misscall pa siya. Buti nalang wala pa ang instructor namin. Tapos tumingin siya sakin. Ngumiti. I smiled back. Sabay tingin sa cellphone ko. "Huy. Reply naman jan. :D" Tiningnan ko ulit siya. Tumingin din naman siya. Pasigaw na bulong kong sinabi, "Wala akong load! Tsaka nalang!" After 5 minutes "You just received 50 worth of load from 0927 blah blah blah." Hala. Sinendan niya ako ng load? Mayamanin! "Oh ayan. May load ka na. Unli na, reply na! hahaha"
Masiyado siguro mabilis ang mga pangyayari. Masiyado din naging mabilis ang namuong pagkakaibigan namin. halos sa isang araw, hindi pwedeng hindi kami magkakasama. Kami na nga ata ang laging magkasama. Kumain man, mag-gawanng projects, magpunta sa paprintan, sa paxeroxan, sa pagpapasa ng requirements at kung ano-ano pa. Marami narin ang nagtanong kung, "kami ba?" Pero ewan ko. Ganito na ba yung matatawag ng "Relationship?" Since I never experienced having a relationship, hindi ko alam kung paano yung nagsisimula. Di ko din alam kung paano ba malalaman kung nanliligaw na ba ang lalaki. Napaka-inosente ko talaga. Pero ito. Go with the flow lang ako. Masaya naman ako, at siya. Masaya kami sa kung anong meron kami kahit di ko maintindihan.
Pero siguro nga, hindi mo ito matatawag na ordinaryong friendship lang. Kasi, aaminin ko, kinikilig ako. At everytime na kasama ko siya, ibang yung sayang nararamdaman ko. Para bka akong naiinlove na. Pero alam kong hindi dapat. Pero, di rin akalain na darating narin yung araw na kinakatakutan ko, ang araw na inamin ko na sa sarili kong mahal ko na siya.
"Justin, okay lang tayo di ba?" Nakaupo kami sa isang sulok ng library malapit sa may aircon. "Oo naman. bakit?" Bakit ko nga ba kasi tinanong ang tanong na ito. Ang hirap. Gusto ko nang sabihin sa kanya yung nararadaman ko pero gusto ko din malaman muna ang nararamdaman niya. "Wala lang. Iba kasi yung setting natin. Kung...kung ikukumpara mo sa ibang magkaibigan, di ba?" Tapos direstso lang siya ng pagbabasa. "Justin" Narinig kaya niya yon? Oh wala lang talaga siyang pakialam? "Ummm. Oo. Siguro. Sobrang close kasi natin. Parang tayo na nga eh." OMY! OMY! The word! Teka!!!! "Parang tayo?" Kunware hindi ko alam. Kunware manhid ako. Pero in reality, nagti-twinkle-twinkle yung mata kong nakatingin sa kanya habang nag-iintay ng sagot niya. "Oo. Parang tayo. Kasi gusto kita, gusto mo ba ako?" Oh Noh! Saira! Wag mong ibibigay ang magic word! Nakareserve yan kay Mr. Right! "Ummm. Di ko alam." Ngumiti lang siya sakin. Parang feeling ko ramdam na niya na may gusto ako sa kanya. "Masaya naman tayo ng ganito. Let's stay this way." Okay. Kung ano man yung this na yon. Sige lang.
Hinayaan ko nalang ang mga bagay na mangyari. Naging masaya din ako kasi parang 'kami' nga. Sinusundo at hinahatid niya ako sa bahay. Nagdedate kami paminsan-minsan. May holding hands. Pero hindi clear ang relationship. Minsan naguguluhan na talaga ako. Ayoko na. Ayoko nang lumayo sa kanya. Pero gusto ko nang alisan ang kung anong meron kame.
Isang araw, nakita ko nalang siyang naiyak sa may bench palabas ng building namin. "Uy. bakit ka umiiyak." Niyakap nalang niya ako. Hinayaan ko lang matigil ang iyak niya hanggang tanungin ko siya ulit, "Bakit ka umiiyak?" Tiningnan niya ako sa mga mata ko at sinabing, "Mahal na mahal ko padin siya. May boyfriend na siya. At hindi ko alam ko alam ang gagawin ko. I want her. I love her." Napatula nalang ako. Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko. Magagalit ba ako? Magseselos? Maiinis? Tapos he said, "Saira, can you stay by my side?" O..."Huh? Ano ka ba? We're FRIENDS! I'm always here for you." Shunga. Tapang-tapangan kong sinabi na okay lang sakin ang lahat. Na kaya kong pakinggan ang lahat ng sasabihin niya tungkol sa babaeng yon. "Sino ba yon?" At ayon. Nagkwento na siya at napag-alaman kong yun pala ang ex niyang mahal padin niya. Masaket. Oo. Pero ano bang magagawa ko, eh ano lang ako. Oo. Kung ano man yon.
Dahil sa nangyari, I felt distant. Feeling ko inagawan ako ng choco butternut. Pero kung papipiliin man ako between him or 2 dozens choco butternut, siya ang pipiliin ko. Mas masaya ako sa piling niya. Hindi ko din naman maiwasan umiyak ng umiyak ng umiyak ng hindi niya alam. Sa tuwing tatawag siya at sasabihin niyang mahal niya yung babae, naiyak ako. Pero, parang mahal ko na siya. Wala akong magagawa kundi makinig na parang statue. Kunwari walang nararamdaman, walang reaksyon. Sana nga statue nalang ako. San manhid nalang ako.
Pero, a week before our graduation, nakipagkita ako sa kanya.. Handa na akong sabihin sa kanya ang lahat. Gusto ko nadin matapos ang lahat. Di ko na siya maintidihan. Bakit kailangan ako. Bakit niya sakin pinaramdam to. Gagraduate na kami kaya bago pa man maging komplikado ang mga bagay-bagay, tatapusin ko nalang.
"Justin, may sasabihin ako sayo." Alam na yata niya ang sasabihin ko o di kaya may hint na siya kahit papano. Lumapit siya sakin, hinawakan ang kamay ko at sinabing, "Kung ano man yang sasabihin mo, please, wag mo akong iiwan." Binitawan ko ang mga kamay niya. Tiningnan ko siya sa mga mata niya. "Hindi. Hindi na pwedeng ituloy ko pa ang ganitong relasyon. Kung ano man ang meron tayo. Naging masaya ako sa mga araw na nakasama kita at nasabi ko ngang, 'parang tayo', pero sa araw-araw na makikita kita at makakasama, nasasaktan na ako. Di ko na kayang makasama ka pa ng ganito lang tayo. Aaminin ko. Minsan ko na ding pinag-dasal sa Diyos na sana balang araw maging 'tayo', pero nawawalan na ako ng pag-asa. After graduation, kalimutan mo na ako. Burahin mo na ako sa friendlist mo. Burahin mo na ang number ko. Alisin mo na ako sa buhay mo." Umiiyak siyang yumakap sakin ng mahigpit. Tinulak ko siya palayo sa akin. Hindi pwedeng ganito. "Bakit mo ba kasi ginawa sakin to? Bakit ako? Bakit mo ako nilapitan nun sa library? Sana hindi nalang nangyari to. Para hindi ko alam na kapag nagmahal pala, masasaktan ka lang. Tigilan na natin toh. Oo, mahal kita. Mahal na mahal kita. Pero hindi pwedeng ako lang ang nagmamahal. Paasa ka naman e! Bakit ka ba nagiging sweet sakin? Para san ba yon?"
Hinawakan niya ang mga kamay ko, this time, dalawang kamay na, with tears in his eyes, "Nung una gusto ko makalimot. Sa library, I was trying to get myself together and looking at you, I felt better Eventually, minahal din kita...kaso..." Kaso. Di ba? Ang saket! Okay na sana e. Mahal na niya ako, kaso..."Kaso ano? Mas mahal mo siya? Hindi ko nadin mapigilang umiyak. Nasasaktan na ako. "Saira, wag namang ganito oh. Wag mo naman akong lalayuan. Wag Saira. I can't let you go. Please" Matigas ako. At matagal ko nang prinaktis ang mga sasabihin ko. Di ako pwede magkamali. Di ako pwede maging marupok. Wala akong magagawa kundi gawin toh. Para kung masasaktan man ako, isang boom nalang hindi yung araw-araw, inuuti-uti niyang pira-pirasuhin ang puso ko. "Justin, di ka pwede magmahal ng dalawang tao. You don't love me, you're just lonely. Forget about me. Di kita papalayain dahil kahit kailan naman, hindi ka naging akin."
Written by: Rio Krizelle Rana
Date: July 4, 2013 10:57 PM
Note: Not a real story.
No comments:
Post a Comment