Friday, July 26, 2013

Love, Life, and Death

Life

Sheena's POV

I let him go. I asked him to let me go. Kahit mahal ko pa sya at mahal niya rin ako, it doesn't make any sense. Masasayang lang din ang lahat. Kahit gaano ko man ipaglaban ang pagmamahal ko sa kanya, mawawalan parin ng saysay ang lahat.

Love are like leaves in a tree. You may find a leafless tree an interesting subject, but believe me, it is still lifeless. I have all the love that I needed from my parents, my family, my friends, but is that all enough? Can it save me from the peak of death?

I'm Sheena. I'm 21 years of age. I'm from a, let me say, fortunate family. Yet, I lived as simple as I can be. My dad is a succesful businessman and my mom is a government employee. I can do whatever I want. I can have whatever I want. I am partly rebelious and partly understanding. I understand that my mom and dad are doing everything they can just to give me whatever I want. But I mostly refuse their love. Siguro nasusuka na ako sa mga pag aalaga nila, pag aaruga and everything. Lagi nalang nila ako bine-baby.

But one day, I started feelling so depressed, lagi akong nagsusuka at lagi akong nagkakasakit. Akala ko normal na lagnat lang and whatsoever ang nararamdaman ko kaya hindi ko nalang sinabi sa parents ko. Pero nakita nalang nila akong nakahiga sa sahig ng kwarto ko ng walang malay. According sa mga kwento ng tita ko, mga 1 hour nadaw akong nakahilata sa sahig kaya they rushed me to the nearest hospital. After few hours, nagising nalang ako and all our family members were there. "Anong nangyari?" Wala akong alam. Hindi ko alam kung bakit ako natumba sa sahig. Tapos, pumasok nalang bigla ang doctor at lumapit sakin and started to asked me few questions. "I will ask you some questions and I need you to answer it honestly. Okay?" I said "Okay." I don't know why my mom has teary eyes. Medyo kinakalma ko pa ang sarili ko sa mga maaari kong marinig. "Kailan pa nagsimula ang depression mo at ang kadalasang mong pagsusuka?" Inisip ko kung kailan nga ba? Alam ko kase matagal na e. Hindi ko lang pinapakialaman. Umiinom nalang ako ng gamot. "Umm. Mga 2 months na po?" Then my mom asked me, "Sheena? Bakit di mo sinasabi sa amin? Bakit hindi inoopen sa amin huh?" Pinigilan naman ng doctor ang mama ko sa mga balak pa niyang itanong. "Misis, I need your full cooperation on this. She can't be..." Bakit hindi itinuloy ni doc? "Doc, hindi po ako pwede ano...?" The doctor looked at me. Hindi ko maintindihan ang mga nangyayari. "Sheena, right? Inuunti-unti ko ang mga pangyayari para mas malaman natin ang kondisyon mo." Dahil eager na akong malaman ang lahat, pinilit ko na si Doc na sabihin, lahat-lahat! "No doc. Inuunti-unti niyo kase ayaw niyong ma-shock ako? Sabihin niyo na doc. Sabihin nyo na lahat! Please? Ayoko na nang tatanungin niyo pa ako." Then the doctor asked for the permission of my parents para masabi na niya lahat. Hindi ko man alam kung ano ang mga maririnig ko, handa parin akong marinig lahat ng iyon. "You have Terminal Cancer Disease."

 It feels like the world stops after I heard those words. It never sounded familiar pero with cancer in the middle seems to be a very serious disease. Umiyak nalang ako. Matapang ako pero I feel so weak right at that moment. Hindi ko alam ang gagawin ko. "Mamamatay na po ba ako? Is there any solution?" Mukhang nalungkot si Doc sa mga tinanong ko. Umiyak nadin ang mommy at daddy ko at ang iba ko pang family, hindi ko alam kung anong nagawa ko para magkaron ng sakit na ganito. "Unfortunately, mostly terminally ill patients die after a years of diagnosis. Yes, you will feel that you're body is normal kasi the disease shows familiar symptoms. Yet, you will feel weaker and weaker every day. You had this disease, probably, when you were 5. But the symptoms are just showing mostly at this time because..." I can't even keep a single word in my mind. I don't know why I have to be this way? "Doc, because in a year now, I might be dead?" And they all cried. I'm making myself strong at this very moment, pero parang konti nalang, bibigay nadin ako. "Yes. in 1 year, makakaramdam ka pa ng iba't-ibang sakit. Sheena, I want you to live your life normally just like how other 21 year old lady live. Kung magkukulong kalang sa kwarto o sa ospital, mas iiksi ang buhay mo." Hindi parin nagsi-sink in. Bakit ngayon? Bakit ako?

After one week, I asked my mom and dad to let me be free. I resigned from my current job and applied to my Aunt's office para daw at least, may makakakita sakin relative if ever atakihin ako. But before I go to my new office, nagpunta muna ako sa baywalk. Gusto kong i-appreciate ang ganda ng gawa ni Lord. Then, nakita ko ang mga batang kalye na namamalimos at nangunguha ng mga pagkain sa basurahan. I thought I never deserve this life. Pero sila, they were fighting for their life and praying that they could have the life I have. Umiyak nalang ako habang naiisip kong maaaring sa mga oras na ito, mamamatay na ako. Then I heared a shutter. Lumingon ako and I saw a guy wearing gray shirt and black pants. Tiningnan ko siya ng matagal. Parang lalapit na sana siya sakin pero bigla nalang siyang umalis. He might be late for work. Nagpunta nadin ako sa office ni Tita pero umalis nadin ako agad dahil nag-rest muna ako.

Iniisip ko kung worth it pa ba ang mga gagawin kong bagay sa loob ng isang taon kung in the end, mawawala din naman ako? I want rest. I want my final rest. Pero something inside me is saying that I need to fight for my life. So I did. The next day, pumasok ako ng maaga. Pagpasok ko sa office, sabi ni Tita magrest daw muna ako. Upo lang daw muna ako sa table ko at mag-intay lang daw ako ng signal niya. Shocks! I never applied for this job. Writer ako sa past work ko. Pero I had to give up all of that dahil hindi makakabuti sakin ang graveyard shift. Pero mas gugustuhin ko na yon kesa sumweldo ako ng nakatunganga lang sa office. Nainis ako kay Tita kaya lumabas ako ng office. "Sheena, I'm sorry for saying that. Please. I'm just trying to help you." Help me? Please! "No Tita. You're not helping. Please? Gusto ko lang maging normal ang buhay ko." Umalis ako sa harapan ni Tita with tears in my eyes. Alam kong hindi makakabuti sa akin ang maging malungkot pero sa araw-araw na tinatrato nila akong may sakit ay mas lalo akong naiinis at nadidisapppoint sa buhay ko.

Dare-daretso akong lumakad palabas ng building ng biglang, "aahhhhhh!" May nakabunggo sakin at dahil sa hina ng katawan ko, bumagsak kaagad ako. But waith, siya yung guy na nakita ko sa baywalk. Pero hindi ko na siya kinausap ng matagal at dahil itinayo niya ako sinabi ko nalang, "Thank you." 

Pagbalik ko sa office, andun siya. Katabi pa ng table ko ang table niya. Lumapit siya sakin, "Sheena, okay ka na ba?" No! Please No! Don't even care about me! Naaallergy na ako sa care! "I'm not asking you to care for me so please don't ask me." Nabadtrip ako. Like yeah, sobrang badtrip! Bakit kailangan lahat ng tao sa paligid ko ituturing akong bata? Bakit ba ganon ang buhay? After work, nagpunta nalang ako sa baywalk at sumigaw...."Badtriiiiip!" Pero, an unusual moment happened. May kasabay akong sumigaw ng badtrip. Lumingon ako, nakita ko si tablemate. Medyo nakonsensya ako sa ginawa niya kaya lumapit ako sa kanya. "Sorry kanina huh? Ano lang kase e...ummm" Patuloy na tumutulo ang mga luha sa mga ko. Hindi ko na alam pigilan pa ang mga luhang ito. Pakiramdam ko, isang word pa hahagulgol na ako. Pero lalo akong lumapit sa kanya, "Ang hirap kase. Alam mo ba yon? Gusto ko lang mabuhay ng normal bakit hindi pa nila maibigay sa akin? Ayoko naaaa!" Hindi ko alam bakit kailangan akong magpaka baliw ng ganon sa harap ng lalaking hindi ko naman kilala. Naging komportable kase akong sabihin yun sa kanya sa hindi ko pa nalalamang dahilan. Tapos bigla nalang niya akong niyakap, "Wag. Please Wag. Wag mong hayaang masira ang buhay mo. Andito lang ako. Sasamahan kitang mabuhay ng normal?" Takot. Takot ang nararamdaman ko sa mga sandaling yakap-yakap niya ako. Natatakot akong bigyan ng malisya ang mga bagay bagay na ito at mauwi lang sa wala. Kaya lumayo ako sa kanya. "Sorry, hindi ko na alam...umm. Sige Aalis nadin ako. Ummm?" Hindi ko pa alam ang pangalan niya e. Sana nagets niya yung tanong ko. "Keith. It's Keith" Tapos umalis na ako agad-agad then I looked back and said, "Sige Keith. I'll see you around!" 

As time pass by, naging okay ang lahat sa amin ni Keith. I may not know if what I'm feeling is love, all I know was when I'm with him, I feel stronger and better and happier. Pakiramdam ko siya ang gamot sa sakit ko. Sabay na kami nagla-lunch. Sabay na napunta sa baywalk. Sabay na nauwi. At madalas nagtatawanan. Sabi sakin ng officemates ko, ngayon lang daw naging ganon si Keith. Natuwa naman ako. Ang saya niyang kasama. Nalilimutan kong malapit na akong mamatay. Nalilimutan kong may sakit ako.

Halos 8 months nadin pala ang nakakalipas. 8 months ko nadin kilala si Keith. Pero hindi ako nakakaramdam ng anuman sakit. Regular naman akong napunta sa doktor at sinasabi nga ni Doc na I don't look like I'm dying. So, kinuwento ko sa kanya kung bakit ganon nalang ako kasaya. "I'm so happy for you Sheena. Pero alam mo naman di ba? 2 months nalang ang binibilang natin oras. At kailangan na kitang..." Hindi ko na pinatapos si Doc ng paguusap niya dahil alam ko na kung saan hahantong toh.  Bakit kailangan ngayon ko pa makilala si Keith? Bakit kailangan mahalin ko pa siya? Dahil 2 months nalang, kailangan ko nang tumira sa hospital.

I knew that this day will happen. Nagpasa na ako ng resignation letter due until tomorrow. Matamlay ako ngayon araw na ito. Iniisip ko palang na sooner or later iiwan ko na si Keith, nasasaktan na ako. Itataboy ko na siya ngayon. Kailangan hindi ko siya pansinin pero nagpupumilit sya. "Sheena, lunch na tayo?" Wala akong ganang kumain, kunware, kaya umiling nalang ako para sabihin ayokong mag-lunch. As soon as they get to the canteen, umalis nadin ako at nagpunta sa aking happy place, ang baywalk. Pinag-iisipan ko kung sasabihin ko ba kay Keith na mahal na mahal ko siya. Pero hindi dapat, kailangan i-letgo niya ako.

As usual, nahanap ako ni Keith. "Anong nangyare sa'yo? Sabi ko na nga ba dito kita makikita e." I must ignore him. I must! "Bakit mo ba ako hinahanap?" Pinipilit kong wag tumingin sa mga mata niya. "May sasabihin ako sayo..." Pakiramdam ko alam ko na ang sasabihin niya. I must show him that whatever he says, I don't care. Pero.."Sheena, hindi ko na hahabaan huh? Mahal kita." Bakit? Gusto kong itanong nang paulit-ulit yan sa sarili ko? Bakit kailangan mahal din niya ako? "Keith, hindi pwede." Those are the only words I can say to him. Hindi ko kayang sabihin sa kanya ang lahat. Nakita kong nasasaktan na siya ngayon palang, "Bakit?" Tinanong niya ako with tears in his eyes. Sheena, paki-explain naman sakin oh. Hindi ko maintindihan e. Masaya naman tayo di ba?" That's the point Keith. Masiyado akong masaya sa'yo kaya I have to let you go. "Oo. Masaya ako kapag kasama kita. Hindi ko rin maintidihan ang nararamdaman ko. Pero hindi pwede. Hindi talaga pwede. Maiintidihan mo din ang lahat soon." Pero he is so eager to know what's going on. He even asked me kung may asawa nadaw ba ako? May boyfriend or may anak na. That made me laugh a bit. Then I saw him crying. His eyes are like begging me to stop now. Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang mga mukha niya, "Hindi ka dapat umiiyak. Please find someone better than me. Please let me go." I'm trying to put all things with him in a nice way. Ayokong itaboy siya sa paraang mas masasaktan siya. Pero ganun nalang niya ako kamahal para mahirapan syang paniwalaan ang lahat. "I'm so sorry. I wish I could tell you everything. But I can't. I want you to be happy. I want you to move on with your life." Then there he goes, he grabbed my arms and held it so tight, "Sheena, mahal na mahal kita. I won't let you go. Why don't you tell me everything?" Gusto ko sanang idaan ito lahat sa maayos na usapan. Pero mukhang titigil ang si Keith kapag sinabi kong tama na. "Pwede ba Keith? I'm trying! Kalimutan mo na ako. Hindi kita mahal. Walang tayo. Wag ka nang umasa!" Masakit man sabihin ang mga salitang iyon, kailangan ko talagang sabihin dahil pag hindi, hindi matatapos ang usapang ito.

Lumayo na ako sa kanya. Inaantay kong habulin niya ako pero maka ilang minuto na ang nakalipas, wala parin Keith ang humahawak sa kamay ko para pigilan ako. Lumingon ako to see if he's walking to me, pero I just saw him standing there at nakatungo pa. All I could remember was a bright light shine upon me at nahimatay nalang ako. Narinig ko pa ang mga taong nagkakagulo dahil sa pagbagsak ko then I hear a familiar voice, it was Keith's. "Sheena! Sheena! Sheena!" 

I love Keith and I have to let go my love and fight for my life. :( I always knew that they were inseperable pero this time, I have to let them apart. Alam kong maaaring maging mas masaya ang last days ko dahil sa kanya, pero ayoko lang na itapon sa kanya ang mga ala-alang alam kong mawawala nalang bigla. I'm Sheena, and whatever it takes, I will fight for LIFE. Dahil nais ko pang mabuhay pa para kay Keith. But if loving him will just hurt him in the future, I had to let him go and choose to live my life even though anytime, I might lose it.






No comments:

Post a Comment